|
||||||||
|
||
Sa isang pandaigdigang simposyum na pinamagatang "Pagsasamantala ng Pagkakataong Digital para sa Kooperasyon at Kaunlaran" na ginanap Martes, Setyembre 8, 2020, iniharap ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina ang Global Initiative on Data Security.
Ang nasabing inisyatiba ay binanggit ni Wang sa kanyang talumpati sa nasabing simposyum.
Saad ni Wang, dapat sundin ng global digital governance ang tatlong simulain: multilateralismo, pagsasaalang-alang sa ligtas na kaunlaran, at paggigiit sa katwiran at katarungan. Aniya, ang paglulunsad ng Tsina ng nasabing inisyatiba ay naglalayong harapin ang mga bagong problema at bagong hamon, at magkasamang pagtatatag ng mapayapa, ligtas, bukas, kooperatibo't maayos na cyber space.
Malugod na tinatanggap aniya ng panig Tsino ang aktibong pagsali ng iba't ibang panig.
Diin ni Wang, inaasahang ipagkakaloob ng nasabing inisyatiba ang pangunahing pagsisimula ng pagtatakda ng pandaigdigang alituntunin sa digital security.
Magkakapit-bisig na magpupunyagi ang panig Tsino, kasama ng iba't ibang panig, upang magkasamang itatag ang digital community with a shared future, dagdag niya.
Ang nasabing simposyum ay itinaguyod ng China Internet Governance Forum.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |