Sa Tweet nitong Huwebes, Setyembre 10, 2020 ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, sinabi nitong nagreklamo ang Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa kawalang katarungan ng Amerika sa Tsina, pero malaya naman ang embahador Tsino na maglabas ng artikulo sa anumang American media, pero tinanggihan ng CPC ang pagpapalabas ng embahador na Amerikano ng komentaryo sa People's Daily.
Kaugnay nito, hiniling nitong Huwebes, Setyembre 10, 2020 si Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina sa panig Amerikano na itigil ang pagluluto ng kasinungalingan, itakwil ang hegemonikong kilos, at igalang ang kalayaan ng pamamahayag, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Ayon kay Zhao, sa mula't mula pa'y nagpupunyagi si Cui Tiankai, Embahador Tsino sa Amerika, para mapasulong ang mapagkaibigang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamamayan. Hindi kailaman'y gumagawa at nagpapakalat siya ng kasinungalingang nakatuon sa Amerika, hindi kailaman'y binahiran ang sistema ng Amerika, at hindi kailaman nakikialam sa mga suliraning panloob ng Amerika. Ani pa ni Zhao, ang paglalathala ni Embahador Cui ng mga artikulo sa American media o pagtanggap ng panayam ay kusang-loob na aksyon ng American media, at ito rin ang resulta ng pag-uugnayan ng kapuwa panig, batay sa pagkakapantay at paggagalangan.
Dagdag ni Zhao, tinugon na ng tagapagsalita ng People's Daily ang kaukulang bintang ni Pompeo, at detalyadong isinalaysay ang katotohanan. Tulad ng mga media ng Amerika at ibang bansa, may karapatan ang People's Daily sa pagpapasiya kung ilalabas o hindi ang mga artikulo, kalian ilabas ang mga ito, at isagawa ang kinakailangang pagsusog at pag-e-edit sa mga artikulo. May ganap na karapatan din ito sa pagtanggi sa paglalathala ng artikulong may malinaw na taliwas sa katotohanan at hayagang pagkiling. Ito ay norma ng industrya ng pamamahayag, pati angkop din sa normang pandaigdig.
Salin: Vera