Bilang paggunita sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng United Nations (UN), ginanap nitong Miyerkules, Setyembre 16, 2020 ang virtual forum hinggil sa target ng UN sa sustenableng pag-unlad sa taong 2030 at karanasan ng Tsina sa pag-ahon sa kahirapan.
Sa kanyang talumpati, tinukoy ni Shen Haixiong, Presidente at Editor-in-Chief ng China Media Group (CMG), na sa proseso ng pandaigdigang usapin ng pag-ahon sa kahirapan, ang mga media ay may masusing papel, sa mga aspektong gaya ng paglalabas ng mga impormasyon, pagbabahagi ng karanasan, pagpapasulong sa pagpapalitan, pagtitipun-tipon ng komong palagay at iba pa.
Saad ni Shen, target ng CMG ang pagtatatag ng primera klaseng media na may lakas-tagapagpatnubay at impluwensiya sa daigdig. Lubos na mapapatingkad nito ang bentahe sa multi-lengguwaheng plataporma, at aktibong maisasabalikat ang responsiblidad ng media, upang gumawa ng ambag sa pandaigdigang usapin ng pag-ahon sa kahirapan, saad niya.
Kalahok dito ang halos 140 dating mataas na opisyal ng pamahalaan mula sa 39 na bansa't rehiyon, at mga kinatawan ng mga organisasyong pandaigdig at think tank.
Salin: Vera