Ipinahayag kamakailan ni Ursula von der Leyen, Presidente ng Komisyon ng Unyong Europeo (EU), ang kanyang pagtanggap sa pagdeklara ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na isasakatuparan ang target ng pagkontrol sa emisyon bago dumating ang taong 2060. Aniya, magsisikap ang EU kasama ng Tsina para maisakatuparan ang hangaring ito.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Huwebes, Setyembre 24, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Europeo para maitatag ang luntiang partnership ng Tsina at Europa, ibayo pang mapalalim ang kooperasyong pandaigdig sa pagharap sa pagbabago ng klima, at mapasulong ang "luntiang pag-ahon" ng kabuhayang pandaigdig pagkatapos ng pandemiya.
Salin: Lito