Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kooperasyong Sino-Kambodyano sa iba't-ibang larangan, nananatiling malakas

(GMT+08:00) 2020-10-12 14:10:42       CRI

Phnom Penh — Sa kanyang pakikipagtagpo kamakailan kay Hor Nam Hong, Pangalawang Punong Ministro ng Kambodya, ipinahayag ni Wang Yi, dumadalaw na Kasagguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ibayo pang lumalalim ang pagkakaibigang Sino-Kambodyano sa proseso ng magkasamang pakikibaka laban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Kambodyano para ibayo pang mapatibay ang pagtitiwalaang pulitikal at mapalalim ang pagkakatigan sa isa't-isa.

Sinabi ni Wang na kasalukuyang napapanatili ang malakas na tunguhin ng pag-unlad ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at Kambodya sa iba't-ibang larangan.

Aniya, patuloy na kakatigan ng panig Tsino ang panig Kambodyano sa paglaban sa pandemiya, preperensyal na magkakaloob ng bakuna sa panig Kambodyano, at bibilhin ang mas maraming de-kalidad na produktong agrikultural.

Ipinahayag naman ni Hor Nam Hong ang lubos na papuri sa natamong tagumpay ng Tsina sa pakikibaka laban sa pandemiya.

Pinasalamatan din niya ang ibinibigay na tulong ng panig Tsino sa panig Kambodyano sa usaping ito.

Dagdag pa niya, nakahanda ang Kambodya na isakatuparan kasama ng Tsina ang plano ng magkasamang aksyon sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng dalawang bansa para mapasulong pa sa mas mataas na lebel ang relasyon ng dalawang bansa.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>