Ayon sa ilang media kamakailan, binatikos ng ilang bansang kanluranin ang Tsina dahil hindi nito ipinapatupad ang G20 Debt Service Suspension Initiative (DSSI), at hindi lubusang nilalahukan ang pagbabawas ng utang ng Aprika. Bukod dito, pinuna nila ang Tsina sa paglikha ng "debt trap" sa Aprika.
Kaugnay nito, tinukoy ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa mga utang ng mga bansang Aprikano, lumampas sa 3/4 ang kabuuang taglay na pautang ng mga multilateral financial institutions at commercial creditors. Sila aniya ay may mas malaking responsibilidad sa isyu ng pagbabawas at pagpapabagal ng mga utang sa Aprika.
Sinabi ni Zhao na palagiang maliwanag ang isinasagawang kooperasyon ng Tsina sa Aprika. Hindi aniya nanghihimasok ang Tsina sa mga suliraning panloob ng mga bansang Aprikano, at hindi rin ipinapataw ang anumang karagdagang kondisyong pulitikal. Ang mga ito ay mga prinsipyong iginigiit ng Tsina sa paghawak sa isyu ng pautang sa Aprika, diin pa ni Zhao.
Salin: Lito