|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling Ika-14 na Panlimahang Taong Plano para sa Pambansang Kaunlarang Pangkabuhaya't Panlipunan (2021-2025), ibayo pang pasusulungin ng Tsina ang dekalidad na pag-unlad ng bansa, kung saan ang reporma't inobasyon ang patuloy na magsisilbi bilang pinakapangunahing lakas-panulak.
Kasama ng mga pangunahing target ng Tsina sa susunod na limang taon ang modernisasyon ng sistema at kakayahan ng pangangasiwa ng pamahalaan, pagsasakatuparan ng malusog at sustenableng pag-unlad ng kabuhayan, pagbubukas sa labas sa mas mataas na lebel, progreso sa pangangalagang ekolohikal, at pag-aangat pa ng pamumuhay ng sambayanang Tsino.
Inilabas ng Tsina ang komunike sa kapipinid na Ika-5 Sesyong Plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Tampok sa komunike ang naturang pambansang plano at Long-Range Objectives Through the Year 2035.
Salin: Jade
Pulido: Mac
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |