|
||||||||
|
||
Upang mabigyan ng kinakailangang pagkain ang mga mahirap na pamilya sa Shanghai, makikipagpartner ang Liwayway China sa Shanghai Food Bank.
Sa panahon ng Ika-3 China International Import Expo (CIIE) na ginaganap sa naturang lunsod, idinaos Nobyembre 5, 2020 ang seremonya ng paglagda sa Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Liwayway China at Shanghai Food Bank hinggil sa nasabing proyekto.
Sa kanyang talumpati sa seremonya, ipinahayag ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina ang kanyang kagalakan sa pagkakalagda ng Liwayway China at Shanghai Food Bank sa naturang MOU.
Ipinaabot din niya ang pasasalamat sa Philippine Trade and Investment Center (PTIC-Shanghai) at Liwayway China sa pagtataguyod ng nasabing Corporate Social Responsibility (CSR) activity, bagay na makakapagbigay-tulong sa pangangailangan sa pagkain ng mga mahirap namamamayan.
Si Embahador Jose Santiago Sta. Romana
Sinipi rin ni Sta. Romana ang linyang mula kay Shauna Niequist, New York Times best-selling author na "ang pagpapakain ng mga tao ay isang paraan ng pagmamahal sa kanila."
Hinikayat ng embahador ang mga kompanyang Pilipino, Filipino Community at Philippine government na nakatalaga sa Shanghai na ipagpatuloy ang kanilang pagsisikap para mapasulong ang mga programa ng pagtulong sa komunidad.
Ang Shanghai Food Bank ay isang sangay ng Food Bank China (FBC), isang di-pampamahalaan at walang-kinikitaang organisasyong nabibilang sa Shanghai Oasis Public Service Development Center, na naitatag noong Nobyembre ng taong 2004.
Layon nitong pataasin ang kamalayan ng mga mamamayan hinggil sa pag-aaksaya ng pagkain, iwasan ang problemang pangkapaligiran na dulot ng pag-aaksaya ng pagkain, at ipagkaloob ang pagkain sa mga mahirap at mahinang pamilya sa mga komunidad.
Kasamang dumalo sa seremonya sina Consul Marlowe Miranda; Commercial Counselor Glenn Peñaranda; Agriculture Counselor Ana Abejuela; Vice Consul (Commercial) John Paul Iñigo; Vice Consul (Commercial) Mario C. Tani; Executive Director Archie Chan at President Larry Chan ng Liwayway China; Li Bin, Tagapagtatag ng Food Bank China; at iba pang opisyal at kinatawan mula sa Pilipinas at Tsina.
Ulat: Lito
Pulido: Rhio/Jade
Larawan: CIIE
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |