Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Planong pangkalikasan sa Beijing

(GMT+08:00) 2013-09-16 09:56:30       CRI

Pumasok na sa panahon ng taglagas ang Beijing at noong dati, ang taglagas ay tinawag na "Gintong Panahon", dahil kulay-dilaw ang mga dahong kahoy at halaman. Bukod dito, maganda rin ang lagay ng panahon sa taglagas.

Pero kamakailan, muling lumilitaw ang smog sa Bejing kung saan sumaklaw sa buong lunsod noong nagdaang taglamig. Nakatawag ito ng pagkabahala ng lipunan.

Upang mapigilan at kontrolin ang polusyon sa hangin, isinapubliko kamakailan ng pamahalaang Tsino ang plano hinggil dito. Ayon sa naturang plano, hanggang sa taong 2017, ang bilang ng PM2.5 sa hangin sa Beijing ay dapat bumaba ng mahigit 25%.

Pagkatapos ng pagkatalastas ng pambansang plano, isinapubliko naman ng pamahalaan ng Beijing ang sariling plano sa pagpapabuti ng kalidad ng hangin. Ang pinansing nilalaman sa plano ng Beijing ay pag-aaral at pagtatakda ng tadhana ng pagpataw ng congestion charge sa mga kotse para mapahupa ang malaking presyur sa trapikong pampubliko at bawasan ang pagbuga ng emisyon ng mga kotse.

Sa katotohanan, ang mabilis na pagdaragdag ng bilang ng mga kotse sa Beijing ay unti-unting nagiging pangunahing dahilan sa paglitaw ng smog. Ayon sa opisyal na datos sa pagmomonitor sa kalidad ng hangin noong taong 2012, ang bilang ng PM2.5 na dulot ng emisyon ng mga kotse ay katumbas ng 22.2% ng kabuuang bolyum ng PM2.5 sa hangin ng buong Beijing. Batay sa mabilis na paglaki ng bilang ng mga kotse noong ilang taong nakalipas, ang bilang ng PM2.5 na dulot ng emisyon ng mga kotse ay tataas pa rin sa taong 2013.

Kahit isinagawa na ng pamahalaan ng Beijing ang mga hakbangin para kontrolin at bawasan ang pagbuga ng mga kotse. Halimbawa, may limitasyon sa pagrerehistro ng plaka ng kotse, tumataas pa rin ang bilang ng mga kotse at saka lumalaki rin ang emisyon nito.

Walang duda, hindi nag-iisang dahilan sa polusyon ng hangin ang pagbuga ng emisyon ng mga kotse dito sa Beijing. Pero para sa isang malaking lunsod na may mahigit 20 milyong populasyon at patuloy na nakakaakit ng pagpasok ng mas maraming taga-probinsya, ang anumang maliit na isyu ay tiyak na hahantong sa malaking epekto at resulta.

Tulad ng isyu ng kotse, ang mabilis na pagtaas ng bilang nito ay nagdulot ng malubhang presyur sa pampublikong trapiko at polusyon sa hangin. Sa ibang dako naman, ito'y kumakatawan sa tamang pangangailangan ng mga mamamayan sa pagpapabuti ng kanilang pamumuhay. Sa likod nito, ito rin ay nagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at nagkakaloob ng mga pagkakataon sa trabaho sa industriya ng kotse.

Noong 1990s, mas maganda ang kalidad ng hangin sa Beijing kaysa sa kasalukuyan at mas kaunti ang bilang ng mga kotse. Kasabay nito, mas mahirap ang pamumuhay ng mga residente noong panahong iyon at saka hindi nila kayang bumili ng pribadong kotse.

Kaya masasabing ang isyu ng pag-aari ng kotse ay kumakatawan sa isang hidwaan sa pagitan ng pag-unlad ng kabuhayan at pangangalaga sa kapaligiran na hindi lamang nagaganap sa Beijing, kundi sa ibang mga lugar ng Tsina.

Mas isang palagay na puwede pasulungin ang pag-unlad ng kabuhayan sa pamamagitan ng pangangalaga sa kapaligiran. Dahil ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng bagong teknolohiya at pagsisikap ng mga tao. At ito ay magkakaloob ng bagong pagkakataon sa pag-unlad ng kabuhayan at hanap-buhay. Pero sa ibang dako, ang pundamental na puwersa sa pag-unlad ng kabuhayan ay pagporodyus at konsumo sa halip ng pangangalaga sa kapaligiran.

Walang duda, ang isyu ng polusyon sa hangin ay hindi kayang lutasin sa loob ng maiksing panahon. Para sa pamahalaan ng Beijing, ang gawain sa malapit na hinaharap ay pagpapahupa ng negatibong epekto ng smog sa pamumuhay at kalusugan ng mga residente. Sa susunod, dapat isagawa ang pangmatalagang plano para lutasin, hindi lamang ang isyung ito, kundi maging ang hidwaan sa pagitan ng pag-unlad ng kabuhayan at pangangalaga sa kapaligiran. Ito ang mas mahalagang bagay na dapat isakatuparan kaysa sa pagsasapubliko ng mga tadhana lamang.

Back to Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>