|
||||||||
|
||
September 22, 2013 (Sunday)
gnm20130922.m4a
|
Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana okay, ha? At kung hindi man dahil may problema, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.
Salamat sa lahat ng mga nagpadala ng mga bating pang-Mid-Autumn Festival. Sana nakatikim kayo ng mooncake noong September 19 o bago ang araw na iyon. God bless you all.
Salamat din kina Isko ng Lemery, Batangas; Wendel ng San Juan de Letran Manila; Brix ng Makassar, Indonesia; Irish ng Shunyi, Beijing, China; at Merry Jeanne ng Carmona, Cavite. Natanggap ko na ang inyong mga SMS at babasahin ko ang mga ito maya-maya.
Isang aktres daw ang nagpatulong sa isang maimpluwensiyang personality para makakuha ng driver's license. Sino kaya ito? Alamin natin mula kay Super DJ Happy sa Balitang Artista portion ng ating programa.
Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.
Sabi ni Elvira Chen ng San Juan, Metro Manila: "Alam namin kung gaano kahalaga sa inyo ang Mid-Autumn Festival, kaya nakikiisa kami sa inyo riyan sa Serbisyo Filipino sa inyong pagdiriwang ng Mid-Autumn Festival. Sana manatili kayong malusog, malakas, masagana at punung-puno ng grasya."
Sabi naman ni Frederick ng Libertad, Pasay City: "Ang sabi ng Russia may ebidensiya raw sila na nagpapakitang ang Syrian opposition ay gumamit ng chemical weapons. Pero, maraming opposition groups sa Syria kaya mahirap matukoy kung sino sa kanila ang guilty."
Sabi naman ni Charlotte ng Cebu City, Philippines: "Tama ang sabi mo, Kuya Ramon. Dapat ngayon pa lang matuto na tayong magtipid sa tubig. Huwag na nating hintayin na sapitin natin ang panahong hindi na kayang sustenahan ng water resources natin ang populasyon ng mundo."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.
THE WONDER OF XINJIANG
(DAO LANG)
Narinig ninyo si Dao Lang sa kanyang awiting "The Wonder of Xinjiang," na lifted sa album na pinamagatang "The First Snow in 2002."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa himpilang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Tunghayan naman natin ang ilan sa mga mensaheng natanggap namin nitong mga nagdaang ilang araw.
Sabi ni Isko ng Lemery, Batangas: "Bakit kaya tuwing may shooting anywhere in the States, ang laging lumilitaw ay may mental problem ang namaril?"
Sabi naman ni Wendel ng San Juan de Letran Manila: "Sana mapatikim mo kami ng iba't ibang flavors ng mooncake na nabibili sa mga tindahan diyan sa Beijing. Matagal na matagal na akong hindi nakakatikim ng mooncake."
Sabi naman ni Brix ng Makassar, Indonesia: "Naitayo na uli nila iyong tumagilid na Costa Concordia. Kudos sa mga engineers na involved sa malaking proyektong ito."
Sabi naman ni Irish ng Shunyi, Beijing, China: "Talagang matindi pala, Kuya, yung baha sa Mexico. Libu-libong turista raw ang na-stranded. Mas grabe pa ito kaysa sa mga bagyo sa atin."
Sabi naman ni Merry Jeanne ng Carmona, Cavite: "Siguro mas maganda kung dadaanin nila sa peaceful negotiations ang nangyayaring kaguluhan sa Mindanao. Mas lasting ang effect nito kaysa armas."
Maraming-maraming salamat sa inyong text messages.
JUST WHEN I NEEDED YOU
(JOY ENRIQUEZ)
Joy Enriquez, sa awiting "Just When I Needed You," na hango sa album na pangalan niya ang ginamit na pamagat.
Ngayon, bigyang-daan naman natin ang ulat ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.
>>Blog ni Kuya Ramon
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |