|
||||||||
|
||
ernestblog
|
Kahit walang facebook, twitter, at youtube, napakapopular pa rin ang mga social media sa Tsina, hindi lamang sa mga bata at kompanya, kundi maging sa mga pamahalaan at organisasyong hudisyal.
Noong ika-21 ng Nobyembre, sa kauna-unahang pagkakataon, binuksan ng Supreme People's Court (SPC) ng Tsina ang mga opisyal na account nito sa Sina Weibo at Wechat, dalawang pinakamalaking social media sa Tsina. Ayon sa ulat, agarang ipapalabas ng SPC sa Sina Weibo at Wechat ang mga impormasyon hinggil sa paglilitis, judicial interpretation, at iba pang gawain, para makatugon sa mga isyung pinagmamalasakitan ng mga mamamayan.
Bukod dito, hiniling ng SPC sa mga hukuman sa iba't ibang antas na magbukas din ng kani-kanilang account sa Sina Weibo at Wechat para agarang maipalabas ang impormasyon sa publiko.
Para sa mga mamamayang Tsino, ang hukuman ay isang mahiwagang lugar, ibig-sabihin, hindi alam ng mga mamamayan ang mga impormasyong may kinalaman sa paglilitis. At kapag nahatulan ang isang kaso, kulang ang paliwanag sa batayang pambatas sa kasong ito. Gayupaman, madaling lumilitaw ang mga pagdududa ng mga mamamayan sa mga pinagtatalunang kaso. Ito rin ay humahatong sa pagpuna ng mga tao sa pagiging bukas at imparsiyal ng prosesong hudisyal.
Sa panahon ng internet, ang mga social media ay gumaganap ng malaking papel, hindi lamang sa pagpapalitan ng impormasyon, at pagpapalagayan sa pagitan ng mga tao mula sa iba't ibang rehiyon at bansa, kundi maging sa pagpapalakas ng kapangyarihan ng mga tao sa pagsusuperbisa sa pamahalaan at pangangalaga sa pagkakapantay-pantay at katarungang panlipunan.
Sa Tsina, ang ganitong papel ng social media ay naipapakita sa dalawang larangan: una, mayroon nang social media account ang parami nang paraming departamento ng pamahalaan para agarang isapubliko ang impormasyon at mga gawain nito; ikalawa, pagpawi ng korupsyon.
Hanggang noong ika-20 ng Disyembre ng taong 2012, ang 4 na pangunahing website ng Tsina na gaya ng Sina.com, Tencent.com, People.com, at xinhuanet.com ay nagtataglay na ng 176,714 na weibo account na may kinalaman sa mga gawaing administratibo, samantalang 113,382 na weibo account mula sa mga departamento ng pamahalaan at Partido Komunista ng Tsina (CPC) at 63,332 na weibo account ng mga opisyal.
Sa kabilang dako, kahit binigyang-diin ng mga opisyal ng Tsina na dapat mapawi ang korupsyon sa pamamagitan ng ligal na proseso, hindi mapapahulaanan ang papel ng social media sa pagkakaloob ng mas maraming impormasyon kaysa sa normal na hakbangin ng paglaban sa korupsyon.
Walang duda, ang mga social media dito sa Tsina ay hindi katumbas ng parehong katayuan ng mga traditional media sa pagsusuperbisa sa pamahalaan at mga isyung panlipunan. Dahil wala pang aktuwal na batas ng pangangalaga sa kaayusan at kaligtasan ng impormasyon sa mga social media, kaya kulang ang kredibilidad ng mga balita na ipinalalabas sa mga social media, lalo na iyong mga may kinalaman sa mga isyung panlipunan.
Pero sa kabilang dako, mas madali ang pag-upload ng balita sa mga social media kaysa sa mga traditional media. Mas mabilis din ang pagpapakalat ng impormasyon sa pamamagitan nito; gaano man katama o kamali ang balita. Ito naman ay humanhantong din sa malaking pansin ng lipunan.
Tulad ng isyung hudisyal ng Tsina, siyempre may mga problema rito na gaya ng korupsyon at pagkakamali sa paghatol, pero hindi tama ang lahat ng mga puna hinggil dito. Ang isang pangunahing dahilan ay hindi alam ng mga mamamayan ang impormasyon ng mga paglilitis, at mga may kinalamang judicial interpretation.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Zhou Qiang, Presidente ng SPC, na dapat itatag ang kompiyansang hudisyal at tanggapin ang pagsusuperbisa ng iba't ibang larangan ng lipunan.
Kahit ang mga social media ay isang bagong sibol na bagay at nagsisilbing plataporma lamang sa pagsasapubliko ng impormasyon, mas madaling makakahuka ng mga impormasyon ang ma mamamayan. Ito rin ay nakakatulong sa pagpapasulong ng kabukasan at imparsiyalidad ng prosesong hudisyal.
Back to Ernest's Blog
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |