|
||||||||
|
||
Ang Chongqing ay isa sa 4 na munisipalidad na nasa ilalim ng sentral na pamahalaang Tsino na katulad ng Beijing, Shanghai at Tianjin. Ang lunsod na ito ay nasa dakong Timog-kanluran ng Tsina na may halos 30 milyong populasyon. Kilala ang lunsod na ito, hindi lamang sa maanghang na hotpot, kundi maging sa mahalagang katayuan sa paglalayag sa Yangtze River. Ito minsan ay ginamit bilang pansamantalang kabisera ng pamahalaan ng Kuomintang noong panahon ng World War II.
Ang landmark ng Chongqing ay ang Jiefangbei o Monument for Liberation bilang pagdiriwang sa pagkakatatag ng People's Republic of China at pagpapalaya ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ng lunsod na ito mula sa paghahari ng Kuomintang.
Sa kasalukuyan, ang plaza ng Jiefangbei ay naging isa sa mga sentro ng komersyo ng Chongqing. Kahit hindi kasin-unlad ang Chongqing ngBeijing, at Shanghai, nakikita rin ang mga kilalang pandaigdigang mamahaling tatak sa paligid ng Jiefangbei. Bukod dito, maraming skyscrapers ng Chongqing ang nakatayo sa magkabilang pampang ng Yangtze river at ang tanawing ito ay parang Hong Kong, lugar na nagsasagawa ng kalaklang kapitalismo sa loob ng sistemang soysalismo ng Tsina.
Hindi lamang sa Chongqing, kundi sa ibang mga lunsod ng Tsina, nakikita ang mabilis na pag-unlad ng kinabibilangan ng konstruksyon ng mga imprastruktura, pagtangkilik sa mga mamahaling tatak, at pagpapasigla sa konsumo. Kahit ang pagpapalawak ng pangangailangang panloob ay isang mahalagang patakaran ng pamahalaang Tsino, ang isang pangunahing gawain nito rin ay pagpapataas ng kita ng mga karaniwang Tsino.
Sapul nang isagawa ng Tsina ang patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas noong 1978, mabilis na umunlad ang bansang ito pagdating sa kabuhayan, lipunan, palakasan, siyensiya, teknolohiya, at edukasyon. Kaya, parami nang paraming dayuhan ang pumarito sa Tsina, hindi lamang para sa turismo, kundi para sa trabaho at pag-aaral. Dahil ang pag-unlad ng Tsina at pagbubukas nito sa labas ay nagdudulot ng dumaraming pagkakataon.
Samantala, ang mabilis na pag-unlad ng Tsina ay hindi lamang naganap sa mga kilalang lunsod na gaya ng Beijing, Shanghai at Guangzhou, kundi maging sa ibang mga lunsod, tulad ng Chongqing.
Sa kabilang dako, nagbabago rin ang Tsina, hindi lamang sa anyo ng mga lunsod, kundi maging sa pamumuhay at ideya ng mga mamamayang Tsino dahil sa impluwensiya ng mga bagay mula sa ibang mga bansa.
Halimbawa ang nabanggit na Jiefangbei Plaza sa Chongqing, sabayang makikita doon ang sagisag ng tagumpay ng sosyalimo ng Tsina at ang di-umano'y mga simbolo ng capitalism.
Masasabing ang isang pangunahing bunga ng reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas ay ang paghihiwalay ng pulitika at kabuhayan, ideyolohiya at pang-araw-araw na pamumuhay.
Bago noong 1980s, lalo na noong Cultural Revolution mula 1966 hanggang 1976, ang political correctness ay paunang kondisyon sa lahat ng mga gawain dito sa Tsina, higit pa sa pamumuhay ng mga karaniwang Tsino. At noong panahong iyon, matinding tinulan ang lahat ng mga bagay na may kinalaman sa capitalism.
Kaugnay nito, ang Chongqing ay may espesyal na katuturan dahil sa kaso ni Bo Xilai, dating Chief Officer ng CPC sa Chongqing. Si Bo ay palagiang itinuturing na representatibong pulitiko ng tradisyonal na ideology ng CPC dahil sa kanyang mga hakbangin sa pagpapalaganap ng tradisyonal na ideya at kaugalian ng CPC
Pero sa kabilang dako, ang kaniyang mga hakbangin sa pagpapasulong ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga residenteng lokal ay walang kaugnayan sa ideology at nagtampok sa paggamit ng aktuwal na bunga sa halip na pagsasaalang-alang muna ng political correctness.
Sa katotohanan, kahit inalis si Bo sa kanyang puwesto dahil sa krimen at korupsyon. At mayroon ding di-umano'y pananalita na natalo siya sa pagbakang pulitikal sa loob ng CPC. Ang kanyang mga patakaran sa kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ay ipinagpatuloy pa rin sa Chongqing ngayon.
Walang duda, ang Tsina ay isang sosyalistang bansa at ang sistemang pulitikal ay nagkakaiba nang malaki sa ibang mga bansa. Pero bukas ang pamumuhay dito sa Tsina at kaunting naaapektuhan ng isyung pulitikal. Ibig-sabihin, kahit gaano kaiba ang ideology sa pagitan ng iba't ibang paksyon ng CPC, buong sikap na nitong napahupa ang epekto ng alitan nito sa ibang mga larangan, lalo na sa kabuhayan at pamumuhay ng mga mamamayang Tsino. Siyempre, ito rin ay may kinalaman sa mga dayuhan na gustong maglakbay, magtrabaho at mag-aral dito sa Tsina.
Ang mga skyscrapers ng Chongqing ay nakatayo sa magkabilang pampang ng Yangtze River
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |