|
||||||||
|
||
Noong ika-21 ng buwang ito, dumating sa Beijing si First Lady Michelle Obama ng Amerika, kasama ng kanyang mga anak at nanay, para isagawa ang 7 araw na pagdalaw sa Tsina. Inanyayahan si Michelle Obama ni Peng Liyuan, First Lady ng Tsina, para pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa edukasyon at people to people exchanges.
Sa Amerika, parehong popular sina Michelle at kanyang asawa na si Pangulong Obama. Pero dito sa Tsina, hindi kasingpopular si Michelle ng kanyang asawa. Kasi sa kaisipan ng mga mamamayang Tsino, ang First Lady ay palagiang itinuturing na kumakatawan sa imahe ng kanyang asawa pero hindi dapat gumanap ng aktuwal na impluwensiya sa mga aktuwal na suliranin sa loob at labas na bansa.
Halimbawa ang mga dating First Ladies ng Tsina na gaya nina Wang Yeping, asawa ni dating Pangulong Jiang Zemin, at Liu Yongqing, asawa ni dating Pangulong Hu Jintao, ang mga impresyon na iniwan nila sa publiko ay tumayo lang sa tabi ng kanilang asawa sa mga mahalagang okasyon. Bihira silang nakikita na sarilinang nagsasagawa ng mga aktibidad.
Samantala, ganito rin ang imahe ni Peng Liyuan, kasalukuyang First Lady ng Tsina. Si Peng ay naging first ladies ng Tsina noong Marso ng taong 2013, at nakatawag siya ng mainit na pansin, hindi lamang sa Tsina, kundi sa ibang mga bansa rin, dahil siya minsan ay isang napakasikat at magaling na folk singer sa Tsina sapul noong 1980s. Bukod dito, si Peng ay boluntaryo rin ng pamahalaang Tsino sa pagpapalaganap ng mga kaalaman hinggil sa AIDS at Espesyal na Sugo ng United Nations International Children's Emergency Fund.
Ang mga kilos at damit ni Peng Liyuan habang kasama niya sa biyahe si Pangulong Xi Jinping ay tila naging isang uso sa Tsina at madalas na bansagang "Liyuan Style." Pero kung ibibilang ang kanyang mga gawain bilang First Lady ng Tsina, bihira siyang sariling magpakita ng mga palagay sa publiko hinggil sa mga aktuwal na isyu. Ito ang malaking pagkakaiba niya kay Michelle Obama. Si Michelle ay hindi lamang First Lady ng Amerika, kundi isa ring mahalagang asistente at haligi ni Pangulong Barack Obama sa mga isyung panloob at panlabas ng bansa.
Ang naturang papel ng mga First Ladies ng Tsina na parang "model" pero walang aktuwal na papel sa mga isyu ay hindi nangangahulugan ng diskriminasyon sa kababaihan. Ito ay may kinalaman sa isang kaugalian sa pulitika dito sa Tsina na naghihiwalay ang mga babae sa gawain ng kanilang mga asawang opisyal.
Tulad ng alam ng lahat, hindi kailangang itakwil ng mga kababaihan dito sa Tsina ang kanilang mga trabaho pagkatapos ng pag-aasawa. Ito'y naglalayong pataasin ang katayuan ng mga kababaihan sa pamilya at panatilihin ang kanilang pagiging indipendiyente sa kanilang mga asawa. Pero kung ang kanilang asawa ay opisyal ng pamahalaan at Partido Komunista ng Tsina (CPC), lalo na sa mataas na antas, buong sikap nilang iniiwasang lumitaw sa mga media kung hindi kailangan ng kanilang asawa.
Ito rin ay may kinalaman sa isang karanasan ng kasaysayan ng Tsina noong panahon ng Cultural Revolution. Si Jiang Qing, asawa ni Chairman Mao Zedong at isa sa "Gang of Four" ay nakagawa ng malaking negatibong epekto sa mga isyu ng Tsina noong panahong iyon dahil sa kanyang espesyal na katayuan. Ang kanyang mga kilos ay nagdulot ng malaking kapinsalaan sa lipunan at kabuhayang Tsino. Kaya pagkatapos ng Cultural Revolution, kahit walang maliwanag na tadhana, nananatiling low-key sa publiko ang asawa ng mga lider at mataas na opisyal ng Tsina.
Ano ang kahilingan sa gawain at responsibilidad ng First Lady ng isang bansa? Nagkakaiba ang kalagayan sa iba't ibang bansa. Halimbawa sa Rusya, bago mag-divorce si Pangulong Vladimir Putin at ang kanyang asawa, nawala nang mahabang panahon ang kanyang asawa sa pananaw ng publiko. Pero sa kabilang dako naman, ang mga First Lady ay gumaganap ng malaking papel sa public diplomacy at people to people exchange dahil sa kanyang espesyal na katayuan, na tulad ni Michelle Obama. Ang isang komong palagay ay ang pantay ang papel sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, lalo na sa larangang pulitikal.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |