|
||||||||
|
||
Natapos na ang kauna-unahang biyahe ni First Lady Michelle Obama ng Amerika sa Tsina mula ika-19 hanggang ika-26 ng buwang ito. Sa kanyang pananatili sa Tsina, kinatagpo siya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ang First Lady ng Tsina na si Peng Liyuan ay sumama sa mga aktibidad niya sa Beijing. At sineguro ang kanyang kaligtasan habang nanatili sa bansa. Kahit ang First Lady ay hindi isang opisyal na titulo, ibinigay ng panig Tsino kay Mrs. Obama ang pagtanggap na katumbas sa antas ng lider ng isang bansa.
Narating ng Tsina at Amerika ang nagkakaisang posisyon sa pagtatatag ng bagong istilo ng relasyon ng dalawang panig. Pero patuloy na kumikilos ang dalawang bansa para ipatupad ang aktuwal na nilalaman ng nasabing konsepto at ang paraan sa pagsasakatuparan nito. Nitong ilang araw na nakalipas, nananatiling malaki pa rin ang hidwaan ng dalawang bansa sa isyu ng Tibet at South China Sea na may kinalaman sa kabuuan ng teritoryo at soberanya ng Tsina. Bukod dito, ang naturang bagong istilo ng relasyon ay wala pang nararanas na pagsubok na mga isyung pandaigdig na gaya ng isyung nuklear ng Korean Peninsula at isyu ng Ukraine.
Dahil pa riyan, kahit ipinahayag ng panig Amerikano na ang biyahe ni Mrs. Obama ay hindi opisyal at naglalayong pasulungin ang kooperasyon sa edukasyon at people to people exchange lamang, mayroon ding malaking katuturang pulitikal ang kanyang espesyal na katayuan sa Amerika at ginampanang papel sa pagpapahupa ng tensyon sa pagitan ng Tsina at Amerika at pagpapalalim ng paguunawaan sa isa't isa.
Halimbawa, sa kanyang talumpati sa Peking University, umaasa si Mrs. Obama na mag-aaral ang dumaraming estudyanteng Tsino at Amerikano sa kani-kanilang bansa para mapalalim ang paguunawaan at pagpapalagayan sa isa't isa.
Tulad ng alam ng lahat, ang paunang problema sa relasyong Sino-Amerikano ay kulang sila sa pagtitiwalaan. Ibig-sabihin, kapag nagaganap ang mga hidwaan nila, ang unang bagay sa kaisipan ng dalawang panig ay ito ay ostilong hakbangin ng kabilang panig sa halip na suriin muna ang katotohanan.
Ang paguunawaan sa isa't isa ay ang pundamental na pundasyon ng pagtitiwalaan. Kaya sa pamamagitan ng naturang pagpapalitang pang-edukasyon, maaaring mapalalim ang pagkaunawa ng isa't isa sa hinaharap at saka mapahigpit ang pagtitiwalaan at bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Sa kabilang dako, ang talumpati ni Mrs. Obama sa Peking University ay nagpapakita rin ng isang kahirapan na kinakaharap ng dalawang bansa sa paguunawaan. Sa kanyang talumpati, pinasigla ni Mrs. Obama ang pag-aaral ng dumaraming estudyanteng Amerikano sa Tsina. Sa katotohanan, napakaraming estudyanteng Tsino ang nagsasadya sa Amerika at ang bilang na ito ay mabilis na tumataas sapul noong 2000. Kumpara sa malaking bilang ng mga estudyanteng Tsino, kaunti lang ang mga estudyanteng Amerikano na nag-aaral sa Tsina.
Bukod dito, nakita ni Mrs. Obama ang mga tradisyonal na kultura at sining ng Tsina na gaya ng kaligrapiya, natikman ang masarap na pagkain, napanood ang Beijing Opera, at folk dance. Bumisita rin siya sa Forbidden City, Great Wall, at Terra-Cotta Warriors para malaman ang kasaysayan ng Tsina. Ini-upload niya ang kaniyang mga karanasan at damdamin sa social media para ibahagi ang mga ito sa mga fans.
Walang duda, ang naturang mga aktibidad ni Mrs. Obama ay pinag-ukulan ng mainit na pansin ng mga media ng Tsina. Pero hindi ito naging tampok na isyu para sa mga mamamayang Tsino. Unang una, ikinababahala ng mga Tsino ang katotohanan ng mahiwagang pagkawala ng Flight MH370 ng Malaysia Airlines na lulan ay mahigit 150 pasaherong Tsino. Ikalawa, wala siyang pakikipag-ugnayan sa mga karaniwang mamamayang Tsino liban sa mga itinakdang aktibidad. At ikatlo, ang mga aktibidad niya ay medyo malayo sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga karaniwang mamamayang Tsino. Ang naturang mga tradisyonal na kultura at sining na tulad ng kaligrapiya, Beijing Opera at folk dance ay hindi masyadong popular sa mga mamamayang Tsino. At ang Forbidden City, Great Wall, at Terra-Cotta Warriors ay kumakatawan sa maningning na kasaysayan ng Tsina lamang pero may maliit na ugnayan sa kasalukuyang kalagayan ng Tsina.
Sa katotohanan, ang sariling karanasan ni Michelle Obama at kanyang mahalagang papel sa pagsuporta sa kanyang asawa na si Pangulong Obama ng Amerika ay puno ng kabighanian para sa mga mamamayang Tsino. Kahit hindi opisyal ang tungkulin ang First Lady, maari siyang gumanap ng napakalaking papel sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |