|
||||||||
|
||
Kung napakataba ng isang tao, kakaharapin niya ang maraming problema kalusugan. Kaya para sa isang lunsod, kung magiging napakalaki o lumolobo ang populasyon nito, dadami ang problema nito at kakaharapin din nito ang mga hamon sa kapaligiran, komunikasyon, konsumo ng enerhiya, at serbisyong pampubliko.
Ayon sa datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, hanggang noong katapusan ng taong 2013, ang populasyon ng Beijing ay lumampas sa 21 milyon na mas mataas sa itinakdang target ng populasyon sa taong 2020, at ang populasyon ng Shanghai ay umabot sa 23.8 milyon na mas mataas sa itinakdang target ng populasyon sa taong 2020. Bukod dito, ang populasyon ng ibang mga malaking lunsod at mga punong lunsod ng mga lalawigan ay lumaki nang di inaasahan at lumampas sa itinakdang target.
Maliwanag na ang mga hamon na dulot ng napakalaking populasyon sa pag-unlad at pamumuhay ng lunsod ay kinabibilangan ng masikip na trapiko, polusyon sa hangin, mataas na presyo ng mga paninda, at malaking gastusin sa pabahay, edukasyon at kalusugan.
Pero sa kabilang dako, mas marami ang pagkakataon ng trabaho dito sa mga malalaking lunsod at punong lunsod ng mga lalawigan kaysa sa mga maliit na lunsod at kanayunan. Mas maganda ang kondisyon ng kalusugan, edukasyon at pamumuhay sa mga malalaking lunsod at punong lunsod ng mga lalawigan kaysa sa ibang mga lugar. Kaya kahit nananatiling malubha ang mga hamon para sa mga malalaking lunsod at punong lunsod ng mga lalawigan, pumaparito pa rin ang mga tao na nais pabutihin ang kanilang kapalaran.
Kaugnay ng nabanggit na kalagayan, iniharap ng pamahalaang sentral at panlalawigan ang mga katugong hakbangin na gaya ng pagdaragdag ng serbisyong pampubliko at pagtatayo ng mas maraming bagong lunsod at satellite na lunsod sa paligid ng mga malalaking lunsod para mapahupa ang presyur ng mga malalaking lunsod at punong lunsod ng mga lalawigan sa kapaligiran at serbisyong pampubliko.
Pero halos 30% lamang sa kabuuang teritoryo ng Tsina ay angkop sa kondisyon ng pamumuhay ng mga tao at ang halos kalahati ng naturang mga lugar ay dapat gamitin para magprodyus ng sapat na pagkain-butil. Ibig-sabihin, may deadline ang Tsina sa pagpapalawak ng saklaw ng mga lunsod. Bukod dito, upang maigarantiya ang kaligtasan ng kapaligiran at konsumo ng mga likas na yaman, hindi dapat hayaan ang walang hanggang serbisyong pampubliko.
Masasabing ang ubod ng mga hamon sa mga malalaking lunsod at punong lunsod ng mga lalawigan ng Tsina ay hidwaan sa pagitan ng pangangailangan ng napakaraming populasyon at limitadong kakayahan ng mga lunsod sa pamumuhay ng mga tao. Ito ay may kinalaman sa kasalukuyang estrukturang pangkabuhayan ng Tsina, lalo na sa mga malalaking lunsod at punong lunsod ng mga lalawigan.
Walang duda, ang napakalaking populasyon ng Tsina ay nagkakaloob ng sapat na murang lakas na manggagawa. Pero sa kabilang dako, upang maigarantiya ang katatagan ng lipunan, dapat ipagkaloob ng pamahalaan ang sapat na pagkakataon ng trabaho para rito. Ang mga industriya ng serbisyo, manufacturing, at konstruksyon ng imprastruktura ay mga industriya na nakakatulong, hindi lamang sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga lunsod, kundi maging sa pagkakaloob ng maraming pagkakataon ng trabaho. Kaya para sa naturang mga malalaking lunsod, sa isang dako, ang napakalaking populasyon ay nagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan nito, sa kabilang dako naman, ito rin ay nagdulot ng mga hamon para sa kapaligiran at pamumuhay doon.
Kaya ang paraan ng paglutas sa naturang mga hamon ay dapat maayos na bahaginan ang mga populasyon sa buong bansa. Pero hindi ito nangangahulugan ng pagtatayo lamang ng mga bagong lunsod, kundi maging sa pagkakaloob ng sapat na pagkakataon ng trabaho para hikayatin ang mga tao.
Ang isa pang may kinalamang isyu ay papapabuti ng serbisyong pampubliko sa mga bagong lunsod, lalo na sa larangan ng edukasyon at kalusugan na may mahigpit na ugnayan sa pamumuhay ng mga tao.
Pero sa kasalukuyang estrukturang pangkabuhayan ng Tsina, ang isa pang isyu ay kung ililipat ang mga populasyon mula sa mga malalaking lunsod at punong lunsod ng mga lalawigan sa ibang mga bagong lunsod at satellite na lunsod, naaapetukhan nang malaki ang kabuhayan ng naturang mga malalaking lunsod sa isang mahabang panahon. Ito ay isa pang hamon na kinakaharap ng pamahalaang sentral at mga pamahalaang lokal ng Tsina para lutasin ang kasalukuyang hamon sa mga malalaking lunsod at punong lunsod ng mga lalawigan.
Back to Ernest's Blog
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |