|
||||||||
|
||
Ang teroristikong pag-atake sa Kunming Railway Station ng lalawigang Yunnan sa dakong timog ng Tsina noong unang araw ng Marso ay kagagawan ng mga taong sumusuporta sa pagsasarili ng Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang. Kahit ilang araw na ang nakalipas nang matapos ang insidenteng ito, at naaresto na ng mga pulis ang lahat ng may-kagagawan, sa isipan ng mga mamamayang Tsino, nananatili pa rin ang epekto nito sa seguridad na panlipunan.
Noong hapon ng ika-14 ng Marso, isang kaguluhan ang naganap sa Chunxi Road, kilalang business walk street sa Chengdu ng lalawigang Sichuan ng Tsina. Ito ay dahil may tsismis na naganap ang di-umano'y terorisikong pag-akate roon. Bukod dito, noong ika-15 ng buwang ito, ang katulad na tsimis ay nagdulot ng parehong kaguluhan sa Shazhou Road ng Guangzhou ng lalawigang Guangdong. Sa mga mahalagang lugar sa Beijing, itinalga na ng pamahalaang lokal ang mas maraming pulis, SWAT at armed pulis para mapigilan ang mga marahas na insidente.
Bago ang insidente sa Kunming, isinagawa minsan ng mga separatista at terorista na sumusuporta sa pagsasarili ng Xinjiang ang ilang beses nang teroristikong aksyon sa Xinjiang, pero bihira itong makita sa ibang lugar ng Tsina bago ang naturang insidente. Kaya, ang teroristikong pag-atake sa Kunming ay nagdulot ng mas malaking pagkabahala sa mga mamamayang Tsino hinggil sa seguridad na panlipunan at, naramdaman ng mga mamamayan ang paglapit ng terorismo sa kanila.
Kumpara sa mga katulad na teroristikong pag-atake na isinagawa ng mga separatista at terorista noong dati, ang nasabing insidente sa Kunming ay mayroong mga bagong katangian. Unang una, ang insidenteng ito ay nakatuon sa mga inosenteng sibilyan; at ikalawa, ang insidenteng ito ay naganap sa labas ng Xinjiang kung saan walang anumang kaugnayan sa isyu ng pagsasarili ng Xinjiang.
Ang isyu ng mga separatista at terorista na sumusuporta sa pagsasarili ng Xinjiang ay isang sensitibong isyu sa Tsina noong uanang panahon. Ang isyung ito ay may kinalaman sa mga isyu na gaya ng relasyon sa pagitan ng lahing Han at Uygur, kultura, relihiyon, at agwat ng pamumuhay sa pagitan ng Xinjiang at ibang mga maunlad na lugar ng Tsina.
Ang naturang insidente sa Kunming ay nagpapakita na ang nasabing isyu ng Xinjiang ay nagsisimulang makaapekto sa kaayusang panlipunan sa ibang lugar ng bansa, at nagdudulot ng hamon sa sistemang panseguridad ng buong Tsina.
Sa Kunming, makikitang kulang sa karanasan ang mga pulis sa railway station sa pagharap sa marahas na pag-atake at wala silang sapat na sandata upang gapihin ang mga terorista.
Dito sa Tsina, ipinagbabawal sa mga indibiduwal ang pagkakaroon ng baril. Samantala, hindi lamang sa Kunming, kundi maging sa ibang mga lugar, walang baril o iilang bala lamang ang nakakarga sa mga baril ng halos lahat ng pulis kung hindi sila pahihintulutan o nag-aplay para sa mga aktuwal na misyon.
Bilang tugon sa aksyon ng mga terorista at separatista na sumusuporta sa pagsasarili ng Xinjiang at Tibet, binuo ng pamahalaang Tsino ang SWAT. Pero hindi ito itinatalaga sa bawat lugar ng bansa, dahil noong dati, ang mga aksyon ng naturang mga terorista at separatista ay palagiang isinasagawa sa Xinjiang at Tibet. Ito ay para ipakita ang kanilang determinasyon sa pagsasakatuparan ng target ng pagsasarili.
Ibig-sabihin, kulang sa karanasan ang mga Tsino sa labas ng Xinjiang at Tibet sa pagharap sa naturang teroristikong pag-atake; at kulang din sa puwersa ang pamahalaang Tsino sa ibang lugar para pigilan ang mga teroristikong pag-atake.
Mula sa nasabing teroristikong pag-atake sa Kunming, masasabing ang target ng mga separatista at terorista na sumusuporta sa pagsasarili ng Xinjiang ay lumalawak na sa ibang lugar ng Tsina para makatawag ng mas malaking pansin. Kaya para sa pamahalaang Tsino, ang kanilang katugong hakbangin ay dapat hindi lamang lutasin ang mga isyung panlipunan sa Xinjiang para mapawi ang pagsuporta sa pagsasarili nito, kundi itatag din ang isang komprehensibong sistema sa buong bansa para mapigilan at labanan ang terorismo. Dahil sa kasalukuyan, ang isyu ng pagsasarili ng Xinjiang ay nagiging isang malubhang isyung may kinalaman sa terorismo na nakakaapekto sa buong Tsina.
Back to Ernest's Blog
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |