Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Mga batang naiwan sa kanayunan

(GMT+08:00) 2014-06-02 09:29:03       CRI

Ang International Children's Day (ICD) ay pestibal para sa lahat ng mga bata sa buong mundo. Bukod dito, ang pestibal na ito ngayong taon ay bumagsak sa araw ng Linggo, kaya maaring ma-enjoy ng mga bata ang pestibal na ito, kasama ng kanilang mga magulang. Halimbawa, maaaring magbarbikyu sa labas ng bahay, maglaro sa amusement park, at bumisita sa mga matulaing purok kung maganda ang panahon.

Dito sa Tsina, ang bata ay palagiang tinatawag na "Bulaklak ng Bansa," ibig-sabihin, sila ang kumakatawan sa kinabukasan ng bansa. Sa kasalukuyang ICD, may mga aktibidad sa iba't ibang lugar ng Tsina bilang pagdiriwang sa pestibal na ito. Halimbawa, mula huling araw ng Mayo hanggang ika-2 ng Hunyo, ipapalabas ng China National Theatre for Children ang 51 pagtatanghal para sa mga bata sa buong bansa.

Pero sa kabilang dako, mahigit sangka-lima ng mga kabataang Tsino ay hindi makakapiling ang kanilang mga magulang sa pestibal na ito. Sila ay mga bata sa kanayunan na iniwan sa bahay ng kanilang mga magulang na nagtatrabaho sa lunsod, o tinatawag na "Liu Shou Er Tong." Ibig-sabihin, habang pestibal na ito, sila ay nasa bahay lamang at malayo sa lugar na pinagtatrabahuhan ng kanilang mga magulang.

Ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas ng All-China Women's Federation, ang kabuuang bilang ng naturang mga bata ay lampas sa 61 milyon na katumbas ng 21.88% ng populasyon ng mga kabataang Tsino. Sa taong ito, bukod sa nabanggit na mga performance, isinagawa ng mga pamahalaang lokal ang mga akbitibad para bigyang-kaligayahan ang naturang mga batang naiwan sa kanayunan. Halimbawa sa ilang nayon ng lalawigang Hebei, Jiangsu at Guangxi, itinatag ng mga pamahalaang lokal ang espesyal na amusement park para sa mga batang lokal, lalo na mga bata na naiwan sa bahay ng kanilang mga magulang.

Bukod dito, inilaan ng All-China Women's Federation ang 1500 milyong yuan RMB sa taong 2014 para itatag ang 150 ganitong park sa mga lugar na may napakaraming batang naiwan.

Sa katotohanan, nitong ilang taong nakalipas, isinagawa ng pamahalaang Tsino at mga pamahalaang lokal ang mga hakbangin para asikasuhin ang pamumuhay at mentalidad ng mga bata na naiwan sa bahay ng kanilang mga magulang. Pero para sa naturang mga bata, ang pinakamagandang regalo sa bawat pestibal ay mapakiling ang kanilang mga magulang.

Kung ganoon, kinakaharap ng lipunang Tsino ang mas malaking hamon na lumampas na sa inaasahan. Dahil, ang isyu ng naturang mga bata sa kanayunan, ay may mahigpit na kinalaman sa landas ng pag-unlad ng Tsina, lalo na sa proseso ng pagsasalunsod ng Tsina.

Una, kasunod ng proseso ng pagsasalunsod ng Tsina, hindi lamang sa konstruksyon ng imprastruktura, kundi sa ibang mga industriya ng serbisyo at manufacturing ay nangangailangan ng mga migrant worker na mula sa mga kanayunan.

Kasabay nito, hindi kaya ng mga nasabing manggagawa mula sa probinsya na dalhin lahat ang kanilang anak sa lunsod dahil sa mga isyung tulad ng edukasyon, pabahay, at kalusugan. Bukod sa ilang may kinalamang tadhana ng pamahalaan, ang pangunahing dahilan ay ang limitasyon sa kakayahan ng mga lunsod sa pagsuplay ng naturang mga serbisyo. Kasunod ng mabilis na paglaki ng populasyon sa lunsod, nagiging mahirap ang pagtugon sa pangangailangan, hindi lamang ng mga migrant worker, kundi maging sa mga residente.

Ikalawa, kahit kinakaharap ng mga migrant worker ang malaking presyur sa pamumuhay sa lunsod, gusto pa rin nilang magpunta sa lunsod para maghanap ng trabaho. Bukod sa kita at pagkakataon, ang isa pang dahilan ay nagmula sa pag-unlad ng industriya ng agrikultura.

Tulad ng alam ng lahat, ang bansang Tsina ay isang malaking bansa pero kulang sa lupain ng pagtatanim, lalo na sa pagtatanim ng mga pagkain-butil. Kaya ang pag-unlad ng industriyang agrikultural ay nangangahulugang pagtitipon ng mga lupain at paggamit ng modernong paraan sa pagtatanim. Kaya, hindi na kailangan ang maraming lakas-manggagawa sa mga kanayunan. Ang isang pangunahing layunin ng pagsasalunsod sa Tsina ay paglilipat ng naturang nalalabing lakas-manggagawa patungo sa lunsod para pasiglahin ang paglawak ng pangangailangang panloob.

Batay sa nabanggit na dalawang dahilan, masasabing ang isyu ng mga bata sa kanayunan ay nagpapakita ng pagbabago ng estruktura ng lipunang Tsino na dulot ng mabilis na pag-unlad ng Tsina noong mahigit 30 taong nakalipas.

Bilang tugon sa isyung ito, isinagawa ng sentral na pamahalaan at mga pamahalaang lokal ang pag-aasikaso sa pamumuhay at mendalidad ng mga batang naiwan sa kanayunan. Isinagawa rin ang mga patakaran para maigarantiya ang karapatan at kapakanan ng mga migrant worker sa lunsod. Ang mga ito ay magpapasulong sa pagkikita ng mga migrant worker at kanilang mga anak.

Pero ang mas mahalaga ay dapat gamitin ng pamahalaang Tsino at mga pamahalaang lokal ang mga hakbangin para pasulungin ang balanseng pag-unlad ng mga lunsod at kanayunan. Ito ay pangunahing paraan para maigarantiya ang siyentipikong sirkulasyon ng populasyon sa pagitan ng lunsod at kanayunan. Ito rin ay makakatulong sa paglutas sa isyu ng mga batang naiwan sa kanayunan.

1 2 3
May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>