Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest]-Sina Lei Feng at "Green Tea Bitch"

(GMT+08:00) 2014-05-19 08:49:49       CRI

Si Lei Feng

Walang kaugnayan si Lei Feng at ang "Green Tea Bitch" sa Tsina. Si Lei Feng ay minsan naging pinakapopular na modelo para sa mga mamamayang Tsino mula 1960s hanggang 1980s. Sa kasalukuyan, siya ay nananatili pa ring isang popular na simbolong pangkultura na madalas na nakikitang nakatatak sa mga T-shirt at ibang mga souvenir items. Ang "Green Tea Bitch" naman ay itinuturing na isang uri ng mga kababaihang sa kasalukuyan na mukhang mabait, pero sa katotohanan ay magulo ang buhay, mapagmahal sa pera at walang moralidad.

Si Lei Feng at ang "Green Tea Bitch" ay naging napakapopular na simbolong panlipunan ng Tsina at nagpapakita rin ng istandard ng lipunang Tsino sa moralidad at pagbabago ng ideya ng mga mamamayang Tsino.

Si Lei Feng ay isang kawal ng People's Liberation Army ng Tsina (PLA). Noong unang panahon, makaraang siya ay mamayapa noong 1962, siya ay inilarawan bilang isang simbolong pulitikal na walang pag-iimbot, mapagpakumbaba, at nag-alay ng buong lakas sa usaping sosyalista at buong sambayanang Tsino.

Makaraang yumao si Chairman Mao Zedong, si Lei Feng ay iniulat ng media ng Tsina bilang isang modelo ng moralidad para sa mga mamamayang Tsino dahil sa kanyang mga magagandang katangian na gaya ng walang pag-iimbot, mapagkumbaba, at matulungin o tinawag na "Diwa ni Lei Feng."

Pagpasok ng 1990s, unti-unting naglaho ang popularidad ni Lei Feng at ang "Diwa ni Lei Feng". Natuklasan ng mga media na fake ang ilang bahagi ng mga karanasan ni Lei Feng na naunang naiulat. Bukod dito, humupa rin ang kasiglahan ng mga mamamayang Tsino sa pulitika at ipinokus ang kanilang enerhiya at pansin, tulad ng pamahalaang Tsino, sa pagpapaganda ng sariling pamumuhay.

Tulad ng alam ng lahat, ang Tsina ay ika-2 pinakamalaking ekonomya sa buong daigdig pagkaraan ng mahigit 30 taong pag-unlad. Bumuti nang malaki ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.

Pero sa kabilang dako, lumitaw ang mga isyung panlipunan ng Tsina, lalo na sa ideya at pamumuhay ng mga mamamayang Tsino. Ang "Green Tea Bitch" ay isa sa mga ito.

Ang balitang "Green Tea Bitch" ay isang bagong-sibol na balita sa internet ng Tsina sa ika-21 siglo. Ito ay kauna-unahang lumitaw sa isang ulat hinggil sa isang malaking piyesta na idinaos sa Sanya ng lalawigang Hainan ng Tsina para ipakita ang mga mamahaling paninda at istilo ng pamumuhay ng mga mamamayan.

Noong una, inilarawan ang "Green Tea Bitch" ng mga balita bilang magagandang babae na nagbigay ng mga espesyal na serbisyo sa naturang piyesta para kumita nang malaki. Dahil sa pagkalat sa internet dito sa Tsina, ang "Green Tea Bitch" ay unti-unting nagiging titulo ng isang uri ng kababaihang maganda, mapagmahal sa pera at walang moralidad.

Kaya ang "Green Tea Bitch" ay nagpapakita na kasunod ng pag-unlad ng Tsina, gusto lamang ng ilang tao ang pera at hindi na hinahangad ang magandang kaisipan at mataas na moralidad.

Masasabing ang "Diwa ni Lei Feng" ay itinuturing na mataas na istandard ng lipunang Tsino sa moralidad, pero ang "Green Tea Bitch" ay nagpapakita ng pagpuna sa mga masamang bagay na nakakapinsala sa moralidad ng lipunang Tsino.

Mula Lei Feng at "Diwa ni Lei Feng" hanggang "Green Tea Bitch", umuunlad nang malaki ang bansang Tsina mula sa pagiging maralita, at atrasado hanggang sa pagiging mayaman at malakas; umuunlad ang lipunang Tsino mula sa pagiging sarado hanggang sa pagiging bukas, at umuunlad ang pamumuhay ang mga mamamayang Tsino mula sa pagiging mahirap hanggang sa pagiging mabuti.

Pero ang moralidad at mentalidad ng mga mamamayang Tsino ay hindi kasabay na umuunlad patungo sa isang magandang destinasyon. Sa katotohanan, ang paglitaw ng "Green Tea Bitch" ay nag-alerto muli sa pamahalaan at lipunang Tsino na dapat lutasin ang mga isyung panlipunan, lalo na sa mga isyung may kinalaman sa mentalidad at ideya.

Back To Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>