|
||||||||
|
||
Noong kasaysayan ng bakasyon ng Araw ng Pagawa dito sa Tsina mula unang araw hanggang ikatlo ng Mayo, punung-puno ng mga Tsino ang iba't ibang lugar na bakasyunan. Samantala, kinakaharap ng halos 15 milyong karagdagang batang Tsino ang presyur sa hanap-buhay sa taong 2014 at halos kalahati sa kanila ay mga estudyante na magtatapos ng kanilang kuros sa mga kolyehiyo at pamantasan sa darating na Hunyo.
Bago taong 2000, hindi kailangang ikabahala ng mga estudyante ng kolehiyo at pamantasan ang kanilang pagkakataon ng trabaho dahil isinisiguro ng pamahalaan ang kanilang trabaho pagkatapos ng pag-aaral. Pero kasunod ng pag-unlad ng marketing economy dito sa Tsina, unti-unting kinansela ng pamahalaang Tsino ang naturang pakataran para pasulungin ang malayang pagpili ng mga bagong gradwyet at institution sa isa't isa. Kasunod nito, ang isyu ng hanap-buhay ay unti-unting nagiging isang malaking isyung panlipunan na pinag-uukulan ng pansin, hindi lamang ng mga bagong gradywet at kanilang pamilya, kundi ng pamahalaang Tsino.
Noong huling araw ng Abril, isinapubliko ng pamahalaang Tsino ang mga hakbangin para pasulungin ang pagsisimula ng mga bagong gradwyet ng sariling negosyo at pag-employ ng mga pribado at maliit na bahay-kalakal ng mga bagong gradwyet na gaya ng pagkaloob ng mga subsidy at pautang na maliit ang interes.
Walang duda, ito ay nagpapakita na hindi lamang kinakaharap ng mga bagong gradwyet ang presyur ng trabaho, kundi kinakaharap din ng pamahalaan ang hamon sa isyu ng hanap-buhay. Pero hindi ito nangangahulugang maliit ang pagkakataon ng trabaho dito sa Tsina. Makikitang kasunod pag-unlad at pagbubukas ng Tsina sa labas, parami nang paraming dayuhan ang pumarito sa Tsina para sa trabaho.
Bukod dito, kasunod ng pag-unlad ng Tsina, dumarami nang dumarami ang pagkakataon ng trabaho, lalo na sa mga larangang gaya ng pinansiya, internet, enerhiya, bangko at tele-komunikasyon.
Dahil pa riyan, ang hamon ng hanap-bahay para sa mga bagong gradywet ay nagmula sa hindi nila pagtanggap ng sapat na pagsasanay sa kolehiyo at pamantasan na gagamitin pagkatapos ng kanilang kurso.
Bukod dito, kasunod ng pangangalap ng mas maraming estudyante ng mga kolehiyo at pamantasan ng Tsina, parami nang paraming batang Tsino ang nakakakuha ng mataas na edukasyon, sa kabilang dako, ito ay nangangahulugang lumalakas nang lumalakas ang kompetisyon na kakaharapin ng mga bagong gradywet.
Dito sa Tsina, ang Araw ng Pagawa ay isang opisyal na pestibal bilang pagdiriwang sa mahalagang ambag at katayuan ng mga manggagawa para sa pag-unlad ng bansa. Samantala, ang isyu ng hanap-buhay ay unti-unting nagiging isang malaking hamon para sa pamahalaang Tsino. Tulad ng ibang mga isyung panlipunan na gaya ng pangangalaga sa kapaligiran, pampublikong komunikasyon at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, ang isyu ng hanap-buhay ay nangangahulugang magbibigay-pansin ang pamahalaang Tsino sa pagtaas ng kalidad ng pag-unlad sa halip na kabilisan ng pag-unlad lamang.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |