Ang unang araw ng Enero ay nangangahulugang simula ng bagong taon para sa buong mundo. Pero ayon sa tradisyonal na kaugalian ng Tsina, ang bagong taon ay batay sa lunar calendar at hasabay nito ang pagdiriwang ng Spring Festival ngayong 2015 ang Chinese New Year ay matataon sa ika-18 ng Pebrero.
Tulad ng ibang mga lugar sa mundo, mayroong sariling kaugalian ang Tsina bilang pagdiriwang sa bagong taon, ang isang representatibong aktibidad ay pagsulat ng mga characters para ipakita ang magagandang hangarin ng mga Tsino sa bagong taon, halimbawa red couplet at character na "Fu" na ibig-sabihin ay suwerte at masaya.
Ang Spring Festival ay isang pambansag pestibal para sa buong Tsina. Pero, mayroong 56 na lahi ang buong Tsina at ang ilang bahagi ng mga ito ay may sariling wika at characters. Ang taong 2015 ay taon ng Yang o tupa sa lunar calendar ng Tsina, kaya ang mga litrato sa susunod ay mga characters na tupa o "Yang" sa kani-kanilang wika ng mga lahi ng Tsina bilang pagdiriwang ng kanilang kaligayahan para sa Spring Festival.
1 2 3 4