Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Second child, mission impossible para sa mga pamilyang Tsino

(GMT+08:00) 2015-02-06 10:11:47       CRI
Kasunod ng pagluluwag sa one child policy sa Tsina, hindi nangyari ang inaasahang tagpo na mabilis na tumaas ang birth rate.

Ayon sa isang pag-aaral sa Shanghai, sapul nang baguhin ang limitasyon sa bilang ng panganganak noong Marso hanggang Disyembre ng taong 2014, halos 17 libong mag-aasawa ang nagpahayag ng panganais ng ikalawang anak. Mula Pebrero hanggang Disyembre ng taong 2014, ang naturang bilang sa Beijing ay 28,778.

Noong dati, ang one child policy ay palagiang ipinalalagay ng lipunang Tsino na nagdulot ng mga isyung panlipunan na gaya ng pagbaba ng populasyon ng lakas-manggagawa, paglaki ng presyur sa pag-aasikaso ng mga matatanda, at mga leftover men at ladies. Pero ang aktuwal na resulta ng pagpili ng mga pamilya sa panganganak ay nagpapakita na ang isyu ng populasyon dito sa Tsina ay hindi lamang may kinalaman sa isang patakaran, kundi maging sa pagbabago ng lipunang Tsino.

Ayon sa isang public opinion poll na isinagawa ng Beijing Youth Diary, ang gastusin sa pag-aruga sa bata ay naging pinakapangunahing kahirapan na ikinababahala ng mga pamilya hinggil sa pagkakaroon ng ikalawang anak, lalo na sa pagkaroon ng isang pamilya ng supling o hindi.

Para sa mga mamamayan na nakatira sa mga lunsod, ang gastusin sa pag-aruga ng mga bata ay katumbas ng 24% ng buong gastusin ng isang pamilya, at ito ay nasa ika-2 puwesto sa lahat ng mga gastusin. Sa mga malalaking lunsod na gaya ng Beijing at Shanghai, ang gastusin sa larangang ito ay mas malaki sa ibang mga katamtaman at maliit na lunsod. Ibig-sabihin, kung mayroong ikalawang anak ang isang pamilya sa mga lunsod, nagiging napakalaki ang presyur sa kanilang pamumuhay.

Sa larangan ng pag-aruga sa mga bata, ang gastusin sa edukasyon ay katumbas ng malaking bahagi. Bukod sa normal na paaralan, palagiang nagbabayad ng mga magulang ng maraming pera para sa iba't ibang uri ng mga training class pagkatapos ng paaralan ng kanilang mga anak.

Ang isa pang mahalagang bagay na nakakaapekto sa pagpili ng ikalawang anak ay may kinalaman sa kababaihan. Walang duda, ang unang bagay na dapat isaalang-alang ay ang kondisyon ng kalusugan ng mga babae. Ang isa pang bagay ay ang pagkakataon ng trabaho para sa mga babae.

Ayon sa mga tadhana at batas ng Tsina, mayroong halos kalahating taong bakasyon ang isang babae pagkatapos ng panganganak. Pero dito sa Tsina ngayon, malakas talaga ang kompetisyon sa paghanap-buhay dahil sapat pa rin ang suplay ng lakas-manggagawa.

Kung mayroong ika-2 anak ang isang babae, ito ay makakaapekto sa pag-unlad ng kanyang karera, lalo na sa pagkakataon ng hanap-buhay. Dahil siguradong isinasaalang-alang ng mga kompanya kung kailangang kumuha ng isang bagong trabahador para kapalit ng kanyang puwesto.

Sa loob ng mahabang panahon, ang panganganak ay nagsisilbing "likas na responsibilidad" para sa pamilyang Tsino. Dahil ang pagpapatuloy ng pamilya ay pinakamalaking responsibilidad ng lahat ng mga tao.

Pero sa kasalukuyan, ang isyung ito ay nagiging isang karapatan para sa mga pamilyang Tsino, na dapat isaalang-alang batay sa aktuwal na kondisyon ng pamumuhay, pagkita at pagkakataon ng trabaho.

Back to Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>