|
||||||||
|
||
Kaugnay ng katatapos na Ika-4 na Sesyong Plenaryo ng Komite Sentral ng Tsina (CPC), nagkakaiba ang atityud ng mga media sa loob at labas ng bansang ito.
Walang duda, ang naturang sesyon ay naging nukleong isyu sa mga ulat ng mga media ng Tsina, at positibo ang pagtasa ng mga ulat hinggil dito. Sa kabilang dako, bago buksan ang sesyong ito, tinaya ng mga dayuhang media na isasaayos ng CPC ang pagrerekomenda sa mga mataas na opisyal at ipapasiya ang kaparusahan kay Zhou Yongkang, dating Miyembro ng Standing Committee ng Pulitubro ng CPC. Siya ay inakusahan ng korupsyon, pagpapabaya sa tungkulin at paglabag sa mga tadhana ng CPC.
Pero, ang mga resulta ng sesyong ito ay parang pagbuhos ng tubig sa naturang mga di-umano'y maapoy na pagtaya. Pinagtibay lamang ng CPC ang isang kapasiyahan hinggil sa komprehensibong pagpapasulong ng pangangasiwa sa mga pambansang suliranin batay sa batas at itinakda ang mga hakbangin para pabutihin ang sistemang pambatas.
Sa katotohanan, ang isyu ng pangangasiwa sa mga pambansang suliranin batay sa batas at pagtatatag ng sosyalistang sistemang pambatas na may katangiang Tsino ay matagal na. ito ay mula pa noong 1990s. Pero ang nilalaman ng mga ito ay nagbabago kasunod ng pag-unlad ng Tsina.
Noong unang panahon, ang naturang dalawang bagay ay nagtampok, pangunahin na, sa paglaban sa korupsyon. Kasunod ng pag-unlad ng naturang dalawang bagay at pagiging mas malubha ng isyu ng korupsyon, nabatid ng CPC, na ang napakalakas na sariling kapangyarihan, pero kulang sa paglilimita at pagsusuperbisa, ay pangunahing dahilan ng korupsyon, at ito ay nagiging mas malubhang hamon. Kaya, ang nilalaman ng naturang dalawang bagay ay nagtampok sa mas malawak na isyung may kinalaman sa sistemang pulitikal ng Tsina, at buong sikap na itinatatag ng CPC ang isang maayos na sistema para lutasin ang naturang mga hamon.
Kumpara sa ibang mga naghaharaing paritido ng ibang mga bansa, mas malakas ang kapangyarihan ng CPC dito sa Tsina. Ito ay naggarantiya ng matatag na pag-unlad ng kabuhayan at lipunang Tsino. Pero sa kabilang dako, hindi sapat ang transparency ng CPC sa pangangasiwa sa mga suliranin ng bansa. Ito ay nagdulot din ng malubhang korupsyon at pagpuna sa loob at labas na bansa.
Kaya, nananatiling mahalaga pa rin ang katuturan ng pangangasiwa sa mga pambansang suliranin batay sa batas at pagtatatag ng sosyalistang sistemang pambatas sa hinaharap.
Dahil pa riyan, pagkaraang manumpa si Xi bilang lider ng Tsina, sa isang dako, isinagawa niya ang mas mahigpit na hakbangin sa pagpawi ng korupsyon; sa kabilang dako naman, lubos niyang pinataas ang katayuan ng isyu ng sistemang pambatas sa kasintaas na katayuan ng kabuhayan, katatagang panlipunan at kapangyarihan ng CPC.
Kaya sa katatapos na sesyong plenaryo ng CPC, hindi lamang tinalakay ang mga aktuwal na isyu na inaasahan ng mga dayuhang media, kundi narating din ang nagkakaisang posisyon ng buong partido sa mga isyu ng pangangasiwa sa mga pambansang suliranin batay sa batas; at pagtatatag ng sosyalistang sistemang pambatas na may katangiang Tsino.
Back to Ernest's Blog
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |