|
||||||||
|
||
Sa katatapos na 2014 APEC Leader's Meeting sa Beijing, itinampok ng mga media ng Tsina, hindi lamang ang mga bagay na may kinalaman sa kabuhayan at negosyo, kundi maging ang bagong bagay na tinatawag na "APEC Blue."
Ang "APEC Blue" ay isang bagong-sibol na salita sa Tsina para ilarawan ang maganda at asul na langit ng Beijing noong panahon ng APEC meeting. Bukod dito, ang salitang ito ay ginagamit para ilarawan ang mga maganda sa loob ng maiksing panahong lamang.
Noong dati, mayroong isang tradisyonal na kasabihan sa Beijing na "Gintong Taglagas." Ibig-sabihin, ang pinakamagandang panahon sa Beijing ay Taglagas. Pero kasunod ng mabilis na pag-unlad ng lunsod, unti-unting nawawala ang ganitong kalagayan, at kinakaharap ng mga residente ng Beijing ang hamon ng polusyon, lalo na ng smog na tumatakip sa asul na langit.
Sa katotohanan, ang isyu ng polusyon sa hangin ay malawak na pinapansin ng lipunang Tsino at isinagawa ng pamahalaang Tsino ang mga hakbangin para lutasin ang isyung ito. Kaya ang salitang "APEC Blue" ay magpakita sa mga bagay na may kinalaman dito.
Una, ito ay nagpapakita ng kawalang-kasiyahan ng mga mamamayan sa polusyon sa hangin. Walang duda, gusto ng bawat tao na mamuhay sa isang magandang kapaligiran na walang polusyon, at ang isang asul na langit ay isang komong bagay na dapat tamasain ng mga tao. Pero sapul nang isagawa ng pamahalaang Tsino ang mga katugong hakbangin para mapawi ang polusyon sa langit noong taong 2011, wala pang malinaw na pagbuti sa kalagayan ng polusyon sa hangin. Kaya sa isang dako, ang salitang ito ay nagpakita ng magandang panahon sa Beijing noong panahon ng APEC meeting; sa kabilang dako naman, ito rin ay palatandaan ng malakas na hangarin ng mga mamamayang Tsino sa magandang panahon.
Ikalawa, ang salitang ito ay nagpapakita na may kakayahan ang pamahalaang Tsino na lutasin ang isyu ng polusyon sa hangin.
Upang maigarantiya ang kalidad ng hangin sa panahon ng APEC Leader's Week, isinagawa ng pamahalaang Tsino ang mga hakbangin para sa pagbabawas ng emisyon. Halimbawa, paglimita sa bilang ng mga kotse sa kalye, at pagsara sa mga pabrika. Ang naturang mga hakbangin ay hindi lamang isinagawa sa Beijing, kundi sa mga lugar sa paligid nito.
Dahil ang naturang mga hakbangin ay may kinalaman sa normal na pamumuhay ng mga tao, kaya pansamantala lamang ang mga ito. Kahit gusto ng lahat ang magandang panahon, ang pangangailangan na patakbuhin ang mga lunsod at pamumuhay ng mga tao ay isa pang mahalagang bagay na dapat isaalang-alang ng pamahalaan.
Sa ibang dako, ito ay nagpapakita na ang isyu ng smog o polusyon sa hangin ay hindi isang bagay na walang sagot at maaring lutasin sa loob ng isang takdang panahon. Kung isusulong ng Tsina ang pag-unlad ng teknolohiya at pagbabago ng estruktura ng kabuhayan at istilo ng pamumuhay ng mga tao para sabayang isakatuparan ang dalawang target na pagbabawas ng emisyon at pagtugon sa pangangailangan ng pamumuhay ng mga tao, ang asul na langit ay magiging isang katuparan at mananatili sa mahabang panahon.
Back to Ernest's Blog
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |