|
||||||||
|
||
May 3, 2015 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Quote for the day: "The function of prayer is not to influence God, but rather to change the nature of the one who prays."-- Soren Kierkegaard
Kumusta sa lahat ng mga hao pengyou everywhere in the world? Okay lang ba kayo riyan? Kumusta ang inyong weekend? Ano ba ang pinagkaabalahan ninyo nitong mga nagdaang araw? Paki-share naman. Gusto naming makarinig mula sa inyo. Okay lang ba?
Nagpadala kagabi ng message sa viber iyong mga dabarkads sa Adonis, Pandacan. Naroon daw sila sa Cowboy Grille kagabi at nagkakatuwaan dahil may dumating daw na galing ng Saudi. Nag-blow out daw. Hindi ko nasagot iyong message nila dahil may ginagawa ako noong mag-viber sila. Sana nakikinig kayo ngayon, guys. Sorry, ha? Hindi ko nasagot message niyo. Alam ko na super saya kayo kagabi. Basta ang masasabi ko lang, huwag kayong magmamaneho nang nakainom, okay? Malaking peligro iyan, eh.
Gusto ko uling kumustahin si Ate Precy ng Marinduque. Kumusta na pakiramdam mo ngayon, Ate? Bumubuti ba? Lakasan mo loob mo, ha? Lagi kang kasama sa mga dasal namin.
Mamaya, sa ating Kusina ni Kuya Ramon, ang Chinese recipe natin ay Fried Egg with Cucumber. Walang kalasan, ha?
VERY SPECIAL LOVE
(MAUREEN MCGOVERN)
Narinig ninyo ang ating opening salvo, "Very Special Love," na inawit ni Maureen Mcgovern at lifted sa studio album na pangalan ng umawit ang ginamit na pamagat.
Kayo ay nakikinig sa China Radio International at sa Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Bigyang-daan natin ang ilang SMS...
Sabi ni Divine ng Congressional Road, Project 8, Quezon City: "Kmzta sa inyong lahat jan, Kuya Ramon. Sana ayos naman celebration jan ng Labor Day. D2 ganun pa rin, rally d2 rally duon."
Sabi naman ni Mel San Juan ng Ermita, Manila: "mukhang maraming nagbabalak na tumakbo sa mga miyembro ng gabinete at sa mga puno ng iba't ibang departments ng gobyerno. Isa-isang nagri-resign, eh."
Sabi naman ni Jennifer Cunanan ng Shunyi, Beijing, China: "Hindi talaga nawawala ang pustahan pag may laban si Manny. Ewan ko ba kung bakit ganyan mga tao. Lahat ginagawang sugal."
Sabi naman ni Connie ng BF Homes Paranaque: "Ipagpatuloy natin ang pag-aalay ng dasal at pagbibigay ng contribution sa mga biktima ng lindol sa Nepal. Malaki ang casualty at damage to property."
Sabi naman ni Bernie Brown ng Leon Guinto, Paco, Manila: "Palagay ko hindi mahalaga kung kanino mapunta ang credit sa pagkaka-postpone ng execution ni Mary Jane. Ang mahalaga nakaligtas siya sa tiyak na kamatayan."
Many, many thanks sa inyong text messages.
HAPPY OATH
(PANG LONG)
Iyan naman ang "Happy Oath," na inawit ni Pang Long at hango sa album na may pamagat na "You Are My Rose."
At sa culinary portion ng ating programa, ang Chinese recipe natin ngayong gabi ay Fried Egg with Cucumber.
FRIED EGG WITH CUCUMBER
(Huang Gua Chao Ji Dan)
Mga Sangkap:
2 pipino (cucumbers)
2 -3 itlog
1 maliit na carrot
Sibuyas na mura (green onion)
Paminta (pepper powder)
Asin
Mantika (cooking oil)
Paraan ng Pagluluto:
Hugasan at linisin ang sibuyas na mura o green onion at pipino o cucumbers. Hiwain ang sibuyas na mura sa maliliit na piraso at gayatin ng manipis ang mga pipino.
Hugasan at talupan ang carrot tapos hiwain sa hugis-diamond na mga piraso. Ilagay sa plato.
Basagin ang mga itlog at batihin sa isang maliit na mangkok.
Mag-init ng mantika sa kawali at iprito ang mga binating itlog sa loob ng 10 - 20 segundo. Patayin ang apoy tapos pirapirasuhin ang pritong itlog gamit ang sandok. Pagkaraan, ilipat sa plato.
Initin muli ang kawali at dagdagan ang natitirang mantika. Ilagay ang sibuyas na mura at igisa hanggang sa lumutang ang bango. Idagdag ang carrot at ginayat na pipino at igisa sa loob ng 1 minuto. Ilagay ang asin at paminta at ituloy pa ang paggisa sa loob ng 20 segundo. Bawasan ang apoy at ihulog ang mga piraso ng pritong itlog bago ituloy pa ang paggisa sa loob ng 30 segundo. Patayin ang apoy tapos alisin ang mixture sa kawali at isilbi sa isang platong porselana.
Kung mayroon kayong katanungan o suggestions, mag-email lamang sa ramones129@yahoo.com o mag-SMS sa 0947 287 1451. Magpapatuloy tayo...
SA IYONG TABI
(JACKY CHEUNG)
"Sa Iyong Tabi," inawit ni Jacky Cheung at buhat sa album na may katulad na pamagat.
May ilang tips ang U. S. National Institute of Health para doon sa mga insomniac. Kung hindi kayo mapagkatulog sa gabi, isa-alang-alang ninyo ang mga ito:
1. Panatilihin ang isang regular na iskedyul ng pagtulog.
2. Iwasan ang pag-e-ehersisyo na mas malapit pa sa 5 hanggang 6 na oras bago ang oras ng pagtulog.
3. Iwasan ang caffeine, nicotine at alcohol bago matulog.
4. Iwasan ang pagkain nang marami kung gabi na.
5. Huwag iidlip pag lampas ng alas-tres ng hapon.
6. Magrelaks bago matulog.
7. Kung hindi pa rin kayo makatulog pagkaraan ng 20 minuto ng pagkakahiga sa kama, bumangon at gumawa ng mga bagay na nakakarelaks hanggang sa antukin kayo. Ang pag-aalala dahil hindi kayo makatulog ay lalo lamang magpapahirap sa inyo para matulog.
Galing iyan sa U. S. National Institute of Health. Subukin ninyo. Wala namang mawawala, di ba?
Mayroon ditong Christian quote na gustong i-share ni Carol ng carolnene.edwards@gmail.com: "Hold material goods and wealth on a flat palm and not in a clenched fist."-- Alistair Begg
Thank you, Carol.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp. Itong muli si Ramon. Maraming salamat sa inyong pagsubaybay at sana manatili kayong malayo sa anumang gulo at sakit ng ulo at sana laging makintal sa inyong isip na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik. Zaijian and God bless.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |