Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika Ika-14 2015

(GMT+08:00) 2015-06-25 14:53:08       CRI

May 10, 2015 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Quote for the day: "For every minute you are angry you lose sixty seconds of happiness."-- Ralph Waldo Emerson

Kumusta sa lahat ng mga hao pengyou everywhere in the world. Okay lang ba kayo riyan? Kumust ang inyong weekend? Ano ba ang pinagkaabalahan ninyo nitong mga nagdaang araw? Baka naman puwede ninyong i-share sa amin. Gusto naming makarinig mula sa inyo. Okay lang ba?

Happy Mother's Day kay mommy at sa lahat ng mga mommy na nakikinig ngayong gabi. Sana naman mai-celebrate ninyo to the fullest ang espesyal na araw na ito.

Alam niyo ang pagiging nanay ay hindi lang isang responsibilidad o obligasyon kundi isa ring vocation; kaya, tulad ng mga iba pang misyon, ito ay nangangailangan ng malaking sakripisyo. Ito rin ang dahilan kaya masasabi natin na ang pagdiriwang ng Mother's Day ay hindi sapat para pahalagahan natin ang hirap at pasakit ng mga nanay. Pahalagahan natin ang kanilang sakripisyo hindi lamang kung Mother's Day o Araw ng mga Nanay kundi araw-araw. Sabi ng isang kaibigan, ngayon daw ang nanay ay hindi lang "ilaw ng tahahan" kundi "haligi ng tahanan" din, kaya doble sakripisyo. Well, ang masasabi ko lang ay mabuhay kayo mga mommy!

Hello kay Mila, Mila Guerrero ng Sta. Ana, Manila; happy birthday kay Romy ng Austin, Texas; at get well soon kay Ate Precy ng Marinduque.

Mamaya, sa culinary portion ng ating programa, ang Chinese recipe natin ay Eggplant Sichuan Style. Huwag kayong aalis, ha?

PEOPLE ALONE
(RANDY CRAWFORD)

Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "People Alone," na inawit ni Randy Crawford at lifted sa album na may pamagat na "The Competition Soudtrack."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Tunghayan natin ang ilang SMS.

Sabi ni Arnold ng Libertad, Pasay City: "Sana matimbug yung international drug ring na nambiktima kay MJ Veloso at iba pang mga kababayan. Yung mga biktima naghi2rap. Sila, nagpa2sarap. Anu yan, ha?"

Sabi naman ni Betsy ng Reina Regente, Binondo, Manila: "Nuba dapat gawin sa mga drayber na naninipa at nanununtok ng mga traffic enforcer? Lintek, puro mga pasaway, eh!"

Sabi naman ni Evelyn ng Cebu City, Philippines: "Matagumpay ang operasyon sa balikat ni Manny Pacquiao pero may nakaambang kaso laban sa kanya sa Amerika. Kawawa naman yung tau."

Sabi naman ni Jocelyn ng Mandaluyong, Metro Manila: "Dapat maging aler2 ang mga nakatira dun sa malapit sa Mt. Bulusan at lumayu na cla habang maaga pa. Aktibo raw ngaun ang bulkang yun."

Sabi naman ni Nina ng New Territories, Hong Kong: "Happy Mother's Day sa lahat ng mader! Kayo ay di- mapaga2linlanganang mga ilaw ng tahanan @ ang inyong pasakit ay di mata2waran."

Thank you so much sa inyong text messages.

TONIGHT I GIVE IN
(ANGELA BOFILL)

Iyan naman ang "Tonight I Give In," na inawit ni Angela Bofill at hango sa album na pinamagatang "Too Tough."

Dumako na tayo sa culinary portion ng ating programa. Ang Chinese recipe natin ngayong gabi ay Eggplant Sichuan Style. Iyan.

EGGPLANT SICHUAN STYLE

Mga Sangkap:

1 talong, hiniwa-hiwa sa hugis na parang wedge na may lapad na 1 pulgada (1 inch)
5 -6 na murang sibuyas
1 kutsarita ng tinadtad na bawang
1 kutsarita ng red chilli sauce
2 kutsara ng toyo
1 kutsarita ng regular na sukang puti
1 kutsarita ng cornflour o cornstarch
1/2 kutsarita ng asukal na pula
1 maliit na tumpok ng coriander leaves
1/2 kutsarita ng pamintang itim
2 kutsara ng mantika (sesame oil o peanut oil)
1 tasa ng tubig

Paraan ng Pagluluto:

Initin ang mantika sa kawali. Sa 2 hati, iprito ang mga piraso ng talong hanggang magkulay brown. Idagdag dito ang asin at paminta tapos hanguin, patuluin at itabi muna.

Sa kawaling pinagprituhan, magdagdag ng ilang patak ng mantika kung kailangan tapos igisa ang sibuyas na mura hanggang sa lumambot. Isunod ang red chilli sauce at tinadtad na bawang at ituloy pa ang paggisa sa loob ng ilang segundo.

Samantala, paghalu-haluin ang toyo, suka, cornstarch, asukal at asin para gumawa ng sichuan sauce. Idagdag ito sa mixture ng sibuyas na mura, red chilli sauce at tinadtad na bawang at lutuin hanggang sa bumula. Ihulog ang mga piraso ng talong at haluing mabuti hanggang sa malagyan ang lahat ng mga ito ng sauce. Palamutian ng tinadtad na coriander leaves at isilbing mainit kasama ang sinangag o noodles.

Kung mayroon kayong mga tanong o suggestion, mag-email lamang sa ramones129@yahoo.com o mag-SMS sa 0947 287 1451. At magpapatuloy tayo...

TRUE HEART HEROES
(EASON CHAN)

Mula sa album na pinamagatang "Digital Life," iyan ang awiting "True Heart Heroes," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Eason Chan.

Meron ditong inspirational quotes on Mother's Day na gustong i-share ni Vivienne ng Sta. Catalina College Manila:

"If you bungle raising your children, I don't think whatever else you do well matters very much."-- Jacqueline Kennedy Onasis

Iyan iyong una. Sabi naman ng pangalawa:

"At work, you think of the children you have left at home. At home, you think of the work you've left unfinished. Such a struggle is unleashed within yourself. Your heart is rent."-- Golda Meir

Iyong pangatlo:

"Mothers hold their children's hands for a short while, but their hearts forever."-- Anonymous

Thank you so much, Vivienne. Ang gaganda niyan. Itatago ko ang mga iyan for sure.

Sabi ni Mareng Gina ng Baclaran, Pasay City, isinama na raw niya sa menu ng kanilang restaurant ang ilan sa mga recipe na nai-post namin sa aming website nitong mga nagdaang linggo. Maraming-maraming salamat, Mare. Sigurado ka bang hindi tayo mapapahiya riyan? Sana ineksperiment mo muna nang maraming ulit.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pagsubaybay at sana lagi kayong malayo sa anumang gulo at sakit ng ulo at sana laging makintal sa inyong isip na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik. Zaijian and God bless.

May Kinalamang Balita
gnm
v Gabi ng Musika Ika-13 2015 2015-06-25 09:58:58
v Gabi ng Musika Ika-12 2015 2015-06-18 09:57:50
v Gabi ng Musika Ika-11 2015 2015-06-11 15:14:52
v Gabi ng Musika Ika-10 2015 2015-06-04 16:30:04
v Gabi ng Musika Ika-9 2015 2015-05-28 16:34:49
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>