|
||||||||
|
||
May 17, 2015 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Quote for the day: "Life isn't about finding yourself. Life is about creating yourself."-- George Bernard Shaw
Kumusta sa lahat ng mga hao pengyou everywhere in the world. Okay lang ba kayo riyan? Kumusta ang inyong weekend? Ano ba ang pinagkaabalahan ninyo nitong mga nagdaang araw? Paki-share naman. Gusto naming makarinig mula sa inyo. Okay lang ba?
Happy birthday kay Megan ng Tianjin, China. Sabi niya malungkot daw ang birthday niya kasi malayo siya sa kanyang pamilya. Naku, alam ko kung ano ang nararamdaman mo. Ganyan din ako, eh. Pero, bumawi ka na lang pag uwi mo. Atsaka mayroong tinatawag ngayong video chat. Sa tingin ko, at the moment, okay na rin iyon.Parang magkalapit na rin kayo. Para na ring nagkita kayo nang personal. Happy birthday uli.
Get well soon kay JunJun ng Katipunan Road, Quezon City. Hindi mo nabanggit kung ano ang sakit mo. Nasa ospital ka ba o nasa bahay? Anyway, pagaling ka. Kasama ka sa mga dasal namin.
Ano sa tingin niyo, dapat na nga bang mag-retire ang ating "Pambansang Kamao"? Kung ako ang tatanungin gusto kong magkaroon muna sila ng rematch ni Mayweather bago siya mag-retire, kasi hindi nakita ang talagang galing nila nitong nakaraang laban at hindi nasiyahan ang mga manonood sa performance nilang dalawa. Pagkatapos ng rematch puwede na siyang mag-retire at mag-concentrate na lang sa Kongreso o Senado o Malacanang. Iyan ay sa akin lang.
Mamaya, sa culinary portion ng ating programa, ang Chinese recipe natin ay Deep-fried Pork and Prawn Rolls. Walang iwanan, ha?
IN MY TIME
(TEDDY PENDERGRASS)
Narinig ninyo ang awiting "In My Time" ni Teddy Pendergrass. Ang track na iyan ay lifted sa album na "Love Language."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Tunghayan natin ang ilang text messages...
Sabi ni Cindy ng Olongapo City, Zambales: "Sana maipaliwanag na lang ni Vice-President Binay ang tungkol sa bank accounts nila ng family niya para matapos na ang gulo. Nalilito mga tao, eh."
Sabi naman ni Dennis ng Tondo, Manila: "Nde q alam kung cno sa mga opisyal ng ating gobyerno ang pani2walaan at pagka2tiwalaan ko. Sa mga nangya2ri ngaun, mahirap masabi."
Sabi naman ni Bernie Brown ng Leon Guinto, Paco, Manila: "Kakalungkot yung balita na pati sa south east asia nagre-recruit na rin ang ISIS at marami na rin palang nasawi sa kanilang mga recruits mula sa region na ito."
Sabi naman ni Lilian ng Ormoc City, Leyte: "...tsampiyon si pacman di lang sa bksing kundi pati na rin sa generosity.sludu kmi sayo, manny! #PambansangKamao"
Sabi naman ni Joyce ng San Pedro, Laguna: "nilindol na naman uli ang nepal pero na3tiling matatag ang mga ma3yan doon. Hanga ako sa tibay ng loob ng mga Nepalese. Alam q di magta2gal they'll be back on their feet again."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga SMS. Salamat talaga.
PAG LUMALAPIT ANG PAG-IBIG
(RENEE LIU)
Iyan naman ang "Pag Lumalapit ang Pag-ibig," na inawit ni Renee Liu at hango sa album na pinamagatang "Love and the City."
Dumako na tayo sa Kusina ni Kuya Ramon, at ang Chinese recipe natin ngayong gabi ay Deep-fried Pork and Prawn Rolls...
DEEP-FRIED PORK AND PRAWN ROLLS
Mga Sangkap:
375 grams ng lean pork
250 grams ng sariwang prawns o sugpo
1 maliit na carrot, ginayat nang manipis at pahaba
4 na shallots o sibuyas Tagalog, tinadtad
2-3 spring onions o sibuyas na mura, tinadtad nang pino
6 na water chestnusts, tinadtad nang pino
1/2 kutsarita ng asin
1 pirot ng puting paminta
1 pirot ng vetsin
1 itlog, binati nang kaunti
1 punong kutsara ng cornflour
3 malalaking tuyong bean curd sheets o lumpiya wrapper
mantika para sa deep-frying
Paraan ng Pagluluto:
Alisan muna ng shell ang prawns bago tadtarin kasabay ng lean pork. Pwede ring gamitan ng blender kung gugustuhin.
Ilaga ang carrot sa 2 kutsara ng tubig sa loob ng 2 minuto tapos isama sa tinadtad na lean pork at prawns kasabay ang mga iba pang sangkap liban sa bean curd sheets o lumpiya wrapper at mantika. Haluing mabuti.
Punasan ang bean curd sheets ng basa-basang pamunas tapos putulin nang pakuwadrado sa sukat na 5 centimeters. Lagyan ng katamtamang daming mixture ang gitna ng bawat bean curd sheet tapos irolyo at itiklop ang magkabilang dulo. Iprito ang mga roll o lumpiya sa maraming mantika sa loob ng 4-5 minuto tapos hanguin, patuluin at isilbi kasama ang chilli sauce o plum. Gets niyo?
Kung mayroon kayong mga tanong o suggestion, mag-email lamang sa ramones129@yahoo.com o mag-SMS sa 0947 287 1451. At magpapatuloy tayo...
WHAT CAN I DO
(NAN QUAN MAMA)
"What Can I Do," inawit ng Nan Quan Mama at buhat sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.
May ilang SMS pa...
Sabi ni Peachy ng Daang-Hari, Las Pinas: "...ay, nuba yan, damay-damay na ata. anyare? pati pamilya ni joker dawit sa bintang kay vice. anyare talaga?"
Sabi naman ni #indaymagay ng San Jose, Antique: "teh, kitam, e di ngaun nakakita cla ng butas para kasuhan si manny...kitam...ganyang tlaga sa tate."
Sabi naman ni Lodie ng Lungsod ng Kalookan: "Bias American press. Sangbakul mga mukha ng reporters habang iniinterbiyu ang #peopleschamp. #GoManny"
Salamat sa inyong mga SMS. Salamat din sa 917 351 9951; 917 960 6218; 919 651 1659; at 920 950 2716.
Quotation: "If you made a promise, keep it. If you have love, cherish it. If someone confided in you, respect it. If you did wrong, apologize for it. If you want trust, earn it."-- Brigitte Nicole
Ang nagpadala ay si Carol ng carolnene.edwards@gmail.com. Thank you, Carol.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pakikinig at sana lagi kayong malayo sa anumang gulo o sakit ng ulo at sana laging makintal sa inyong isip na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik. Zaijian and God bless.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |