|
||||||||
|
||
May 31, 2015 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Quote for the day: "Kind words do not cost much, yet they accomplish much."-- Blaise Pascal
Kumusta sa lahat ng mga hao pengyou everywhere in the world. Okay lang ba kayo riyan? Kumusta ang inyong weekend? Ano ang pinagkaabalahan ninyo nitong mga nagdaang araw? Baka pwede ninyong i-share sa amin. Gusto naming makarinig mula sa inyo. Okay lang ba?
Binabati ko si Ka Rene ng Fangyuan, Beijing. Nakuha pala nila iyong nabakanteng puwesto sa Lido Metro Park Hotel. Pagbutihin ninyo riyan, Ka Rene. Magandang lugar iyan. Madalas akong kumain diyan pagkatapos ng tutorial ko sa gabi kaya alam ko na okay iyang lugar na iyan. Sana magtagal na kayo riyan.
May natanggap akong posters at postcards. Salamat kina Sol ng Beijing International School; Kristen ng Movenpick Beijing; Jolina ng Liloan, Southern Leyte; Lucy ng Circumferential Road, Antipolo; at Lilian ng Ormoc City, Leyte.
Sabi ni Patricia ng Lungsond ng Kalookan: "Hi, Kuya Ramon! Mababang-mababa na ang level ng tubig sa Angat Dam, kaya kailangan na talagang umulan dahil maaapektuhan ang supply ng tubig sa Metro Manila pati supply ng koryente. Sama tayo roon sa mga nagdarasal para sa maagang pag-ulan."
Mamaya, sa Kusina ni Kuya Ramon, magluluto tayo ng masarap na dessert, ang Almond Jelly with Lychees, kaya stay put lang kayo.
I THINK I'LL TELL HER
(RONNIE DYSON)
Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "I Think I'll Tell Her," ni Ronnie Dyson. Ang track na iyan ay lifted sa album na may pamagat na "One-Man Band" 1973.
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Sabi ni Margie Reyes ng Bulacan, Bulacan: "Marami pa nga raw biktima ng Yolanda ang hindi pa rin nakakatanggap ng tulong at may mga tulong na hindi pa rin naipamimigay. Bakit kaya?"
Sabi naman ni Rolly ng Guadalupe, Makati City: "wag na lang nating patulan pagsi2raan ng mga politico. tingnan na lang natin kung cno may pinakamaraming ngawa sa nakaraan, yung may pinakamagandang track record."
Sabi naman ni Jenny ng Forvenir, Sta. Cruz, Manila: "last sunday tnugtug mu yung request ko na perfect stranger. di kita napasalamatan kasi naubusan ako lod. salamat, kuya-- sa uulitin, ha?"
Sabi naman ni Kate Ventura ng Paco, Manila: "kung mas mahaba sana prog mo mas lalu kming mageenjoy. masyadong maikli, eh. kulang na kulang sa istoris ng mga listeners pati sa mga fav songs."
Sabi naman ni Venice ng Legaspi Village Makati: "Huwag nating ipagkibit-balikat iyung sinasabi ng mga scientist. Maraming lugar sa Philippines ang ang nasa ibabaw ng West Valley Fault. Anumang oras maaring yanigin ng malakas na lindol ang mga lugar na ito. Mabuti na ang maghanda kaysa magsisi."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga SMS. Tama nga naman, "Mabuti na ang maghanda kaysa magsisi."
STORYBOOK GIRL
(THE SILVERS)
Iyan naman ang "Storybook Girl," na inawit ng The Silvers at hango sa album na may pamagat na "Showcase."
At sa culinary portion ng ating programa, ang Chinese recipe natin ngayong gabi ay Almond Jelly with Lychees...
ALMOND JELLY WITH LYCHEES
Mga Sangkap:
2 tasa ng tubig
2 1/2 kutsarita ng agar-agar powder
1 tasa ng evaporated milk
1/2 tasa ng asukal
1/2 kutsarita ng almond essence
1 malaking lata ng lychees
Paraan ng Pagluluto:
Ibuhos ang 2 tasa ng tubig sa kaserola tapos ibudbod ang agar-agar powder sa ibabaw ng tubig. Pakuluin sa loob ng 5 minuto. Idagdag ang evaporated milk at asukal tapos haluin nang marahan hanggang sa matunaw ang asukal. Idagdag ang almond essence tapos tikman muna kung tama na ang lasa. Ilipat sa isang parihaba o parisukat na liyanera at hayaang lumamig. I-refrigerate kasabay ng lata ng prutas sa loob ng isang oras.
Sa oras ng pagsisilbi, hiwain nang pa-diamond ang almond jelly. Isalin ang lychees sa malaking bowl tapos iIsama dito ang mga piraso ng almond jelly at haluin nang marahan.
Iyang dessert na iyan ay madalas isilbi sa malalaking restaurant dito sa Beijing.
Para sa inyong mga katanungan, mag-email lamang sa ramones129@yahoo.com o mag-SMS sa 0947 287 1451.
LOVE HAS WALKED AWAY
(PANG LONG)
Mula sa album na pinamagatang "You Are My Rose," iyan ang awiting "Love Has Walked Away," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Pang Long.
Kung natatandaan niyo, noong nakaraan, may isinalin akong mga pangalan ng mga gulay. Ang buong akala ko ang gusto ng nagpapa-translate, si Mareng Gina ng Baclaran, i-translate ko ang mga iyon from English to Chinese. Ang gusto pala niya ay isulat ko sa Chinese characters at hindi kung paano sabihin. Diyan tayo may problema kasi hindi ko kaya iyon. Pagsasalita lang kasi ang pinag-aralan ko, eh. May naisusulat akong ilang Chinese characters pero iyong mga pangalan ng mga gulay ay isa sa mga hindi ko kayang isulat. Hindi bale, Mare, hintay-hintay ka lang. Ipapasulat ko na lang sa mga kasama ko. Sandali lang sa kanila iyan. Salamat uli, Mare, sa pag-uukol mo ng panahon sa aming mga programa.
May mensahe iyong tukayo ko doon sa Radisson Hotel Beijing. Sabi niya: "Kayo, mahilig ka ba sa saging? Lagi kang kumain ng saging kasi malaking tulong ang saging para sa pagpapabawas ng depression, pagre-regulate ng ating pagdumi, pagpapababa ng blood pressure at pagpapababa ng risk ng heart disease, pagpapatibay ng mga buto, pag-iwas sa anemia, pagpapanatili ng high energy sa ating katawan at marami pang iba. Ipinapaalala ko lang dahil baka kako hindi ka nagkakakain ng saging."
Ay, naku, Tukayo, huh, dalawa hanggang tatlong saging ang consumption ko sa isang araw. Pero hindi ko alam na ganyang pala karami ang nakukuhang benefits sa pagkain ng saging. Salamat, Tukayo.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pagsubaybay. Sana lagi kayong malayo sa anumang gulo at sakit ng ulo at laging tatandaan na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik. Zai jian and God bless...
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |