|
||||||||
|
||
Pagkatapos ng bigas, ang toilet seat cover ay naging isa pang napakamabentang paninda para sa mga turistang Tsino sa Hapon. Kahit kinumpirma ng mga kompanyang Hapones na ang naturang pinamiling bagay na gaya ng bigas at toilet seat cover ay yari sa Tsina, hindi ito nakakaapekto ng pananalig at pagkahilig ng mga Tsino sa produktong Hapones.
Walang duda, ang "Made in China" ay kinikilala sa buong daigdig, dahil sa malakas na kakayahan sa pagpoprodyus at mura. Pero sa kabilang dako, palagiang ipinalalagay ng mga mamimili, maski ng mga Tsino, na ang "Made in China" ay nangangahulugan ng di-magandang kalidad.
Sa kabilang dako, ang "Made in Japan" ay ipinalalagay ng mga Tsino na simbolo ng magandang kalidad at desenyo, at katanggap-tanggap na presyo. Kaya kahit ang mga produktong Hapones na yari sa Tsina, halimbawa ang mga damit ng UNIQLO, ay mabiling mabili sa Tsina.
Ang ganitong kaisipan ng mga mamamayan Tsino sa mga produktong Hapones ay nagmula sa mahigpit na pangangasiwa at pagsusuperbisa ng mga kompanyang Hapones sa kalidad ng mga produkto.
Bukod dito, sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukasa sa labas noong 1980s, ang mga produktong Hapones ay agad na pumasok sa pamilihang Tsino at nagsagawa ng magandang promosyon. Bukod dito, ang mga kompanyang Hapones ay nagsagawa ng mabisang patakaran ng localization. Ang mga ito ay humubog ng kaugalian ng mga mamamayang Tsino sa pagbili ng mga produktong Hapones at kanilang magandang impresyon hinggil dito.
Ang "Made in Japan" ngayon sa Tsina ay hindi lamang kumakatawan sa mga produkto, kundi maging sa kultura at turismo. Tulad ng alam ng lahat, ang industriya ng anime ng Hapon ay sikat sa buong daigdig, dito sa Tsina, popular na popular sa mga batang Tsino ang mga anime ng Hapon at mga produktong may kinalaman dito. Bukod dito, ang mga TV series at lugar na panturista ng Hapon ay winewelkam din ng mga mamamayang Tsino.
Kaya para sa mga Tsino, siguro hindi maganda ang kanilang impresyon sa pamahalaan at mga pulitikong Hapones dahil sa kanilang kilos at sinasabi hinggil sa mga isyung may kinalaman sa kasaysayan, pulitika at teritoryo, pero, tinatangkilik pa rin nila ang mga "Made in Japan."
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |