Mula ika-3 hanggang ika-15 ng buwang ito, idinaraos dito sa Beijing ang sesyong plenaryo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) at Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) dito sa Tsina. Walang duda, sa panahong ito, pinapansin sa loob at labas ng Tsina kung ano ang mga hakbangin na gagamitin ng pamahalaang Tsino para harapin ang mga mainit na isyung panlipunan.
Pero sa kabilang dako, ang kasaysayan ng NPC at CPPCC ay mayroong mga mahahalagang bagay na nagpapakita ng mga pagbabago ng Tsina. Ang mga sumusunod ay ang mga litrato tungkol sa mga kauna-unahang tagpo sa kasaysayan ng NPC at CPPCC.
Una, Kauna-unahang Sesyong Plenaryo ng CPPCC. Mula ika-21 hanggang ika-30 ng Setyembre ng taong 1949, idinaos sa Beijing ang kauna-unahang pulong ng CPPCC. Pinagtibay sa pulong na ito ang pundamental na dokumento hinggil sa pagtatatag ng People's Republic of China (PRC) at naihalal si Mao Zedong, bilang Chairman ng Central People's Government, kataas-taasang organo ng kapangyarihan ng Tsina mula 1949 hanggang 1954, kung saan opisiyal na itinatag ang Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC). Sa pulong na ito, makikitang nakasabit ang mga larawan nina Mao Zedong at Sun Yet-sen, Tagapagtatag ng Kuomintang.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12