Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Chinese Kungfu

(GMT+08:00) 2015-04-16 15:27:25       CRI

Dahil sa pagsisikap nina Bruce Lee, Jackie Chan at Jet Li, ang Kungfu o Chinese Martial Arts ay sumikat nang sumikat sa buong mundo at naging isang representatibong bagay ng kulturang Tsino.

Si Bruce Lee.

Para sa mga dayuhan, siguro ang Kungfu ay isang paraan lamang para maging mas malakas o malaman ang kulturang Tsino. Pero para sa mga Tsino, nagkakaiba ang nilalaman at kahulugan ng Kungfu.

Para sa mga Tsino, ang Kungfu ay mayroong malaking impluwensiya sa kanilang pamumuhay. Higit pa, nakakalikha ito ng malaking benepisyo sa kabuhayan at kulturang Tsino. Bukod sa kabighanian ng Kungfu, ang naturang tagpo ay nagmula sa, pangunahing na, malaking impluwensiya ng literature, film, at TV series.

Mga kilalang Kungfu novel na sinulat ni Louis Cha, manunulat mula sa Hong Kong. Ang naturang mga libro ay nagdulot ng kasiglahan ng mga tao sa mainland ng Tsina sa kungfu noong 1980s.

Noong ika-18 ng Hulyo ng 1981, kinatagpo si Louis Cha ni Deng Xiaoping. Si Deng ay fan ng mga Kungfu novel ni Louis Cha.

Halimbawa, ang Kungfu novel ay tinawag minsan na "Fairy Tale of Adult." Ang mga kungfu film nina Jackie Chan at Jet Li ay nakakuha ng magandang box-office sales. At ang mga computer game na may kinalaman sa Kungfu ay popular din para sa mga netizen na Tsino.

Dahil pa riyan, ang kungfu ngayon sa Tsina ay hindi lamang isang uri ng martial arts, kundi maging sa simbolong pangkultura, kaakit-akit na elementong pangturista at pagkakataon ng komersyo.

Poster ng dalawang computer game ng Kungfu.

Noong 2014, mga turista sa Wudang Mountains.

Noong ika-9 ng Enero sa Hangzhou ng lalawiang Zhejiang, ang mga tao ay nagmamasid ng mga sandata na lumitaw sa mga libro at pelikula ng Kungfu.

Mga estudyante na nagsasanay sa isang paaralan ng Kungfu sa Hefei ng lalawigang Anhui.

Halimbawa, ang Shaolin temple ay isang kilalang tempolo ng budismo at ito rin ay lugar-pinagsimulan ng isang napakahalagang ideyang budista na tinatawag na "Chan". Pero dahil sa epekto ng kilalang pelikulang "Shaolin Temple" ni Jet Li noong 1982 at pag-unlad ng kabuhayan at turismo sa Tsina, ang naturang templo ay naging isang kilalang lugar na panturista sa Tsina at ang pinakasikat na bagay nito ay ang Shaolin Kungfu sa halip ng ideyang budista.

Bukod sa Shaolin temple, naging sikat ang mga uri ng Chinese Kungfu dahil sa epekto ng mga libro at pelikula. Halimbawa, ang WingTsun, isang tradisyonal na martial arts sa dakong timog ng Tsina, ay naging popular sa buong bansa dahil sa epekto ng pelikulang Ip Man ni Donnie Yen noong 2008.

Bukod dito, ang mga popular na libro, pelikula at TV series ay nagdulot din ng mainit na hangarin ng mga mamamayang Tsino sa pag-aaral ng Kungfu. Kaya, lumitaw ang mga paaralan at gym para rito.

Sa kabilang dako, dahil ang kaalaman ng mga karaniwang Tsino hinggil sa Kungfu ay nagmula sa mga libro, pelikula at TV series, ito rin ay nagdulot ng mga maling palagay ng mga Tsino hinggil sa Kungfu.

Noong ika-13 ng Agosto ng 2013, itinanghal ng isang Taoist ang isang uri trandisyonal na martial arts sa Taoism. Pero ipinalalagay ng mga karaniwang Tsino na hindi ito tunay na kungfu, mukha itong bodybuilding exercise, dahil nagkakaiba ang tagpo ng naturang martial arts sa pagtatanghal ng naturang Taoist at mga kathang sining.

Halimbawa, ang Wudang Mountains, kilalang bundok sa Taoismo sa lalawigang Hubei, ay nakatagpo ng ganitong problema. Dahil sa epekto ng mga libro at pelikula, ang kabundukang ito ay itinuturing na lugar-pinagsimulan ng Taiji Boxing sa tingin ng mga karaniwang tao, pero ang katotohanan ay ang naturang martial arts ay galing sa Chenjiagou, isang maliit na nayon ng lalawigang Henan.

Sa madaling sabi, ang malaking impluwensiya ng Kungfu sa kabuhayan, kultura at turismo sa halip ng sariling nilalaman nito ay naging bahagi ng kulturang Tsino at pamumuhay ng mga Tsino.

Back to Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>