|
||||||||
|
||
Gabi ng Musika 20160904
|
September 4, 2016 (Sunday)
Quote for The Day:
"Forgiveness does not change the past, but it does enlarge the future."-- Paul Boese
Opening Reminder:
Pagkagising natin sa umaga, ang unang-unang dapat nating gawin ay pasalamatan si Lord sa panibagong araw at sa lahat ng mga biyayang natatanggap natin sa araw-araw. Ugaliin nating makipag-communicate kay Lord para manatili tayo sa tuwid na Landas.
Ilang Piling Mensahe:
Jannet (Libertad, Pasay City): "Gustu ko lang kondenahin ang pagpapasabog sa Davao City kamakalawa. Hindi ko alam kung anung klaseng mga tao ang may pakana niyun. Kung me kinasasamaan sila ng loob bakit yung mga insosenteng sibilyan ang kanilang pinagbalingan, wala namang kinalaman ang mga yun sa kanilang problema? Makonsiyensiya naman sana sila."
Casey (Pasong Tamo, Makati City): "Kasabay ng pagbati ko ng happy Mid-Autumn Festival, inaanyayahan ko kayong lahat na samahan ako sa pagdarasal para sa mga biktima ng pagsabog sa Davao City. Sana mabigyan ng hustisya ang mga walang kamalay-malay na mga biktimang ito."
Opening Song:
It's Too Late by Carole King
Text Messages:
Dennis (Barrio Kapitolyo, Pasig City): "pwede ba? Makipagtulungan na lang tau sa gobyerno para masugpo na nang 2luyan yang ilegal na droga? matagal nang salut sa bayan yang droga na yan, eh."
Sol (Jiangguomen, Beijing): "matutu taung magpatawaran ng kasalanan para na rin sa ikata2himik ng ating kalooban. yan din naman ang loob ng Diyos."
Shawee (Fangyuan, Beijing): "huwag tayong magtatapon ng pagkain. maraming namamatay ng gutom. kung kakain sa labas, wag umorder nang sobra-sobara kung di rin lang uubusin."
RenRen (Hong Kong Central): "wag kaung mani2wala sa mga balita na ipinopost ng mga di legitimate na media group. maraming manlo2q. yung sa mga kila2ng radio @ tv networks lang ang paniwalaan."
Lily (Bajac-Bajac, Olongapo City): "Sana mging successful byahe ni President Duderte sa Asean countries. Mhalaga rin nmang mpabuti relation ntin sa mga country na2"
Chinese Song:
September by Xu Wei
Kusina ni Kuya Ramon:
SNOW PEAS, MUSHROOMS AND BAMBOO SHOOT
Mga Sangkap:
6 na pinatuyong black mushroom
1 kutsara ng mantika
1 clove ng garlic, dinikdik nang kaunti
1 malaking piraso ng bamboo shoot, tumitimbang nang mga 125 grams
280 grams ng snow peas
Kalahating kutsarita ng asin
Kalahating kutsarita ng asukal
1 pirot ng vetsin
Paraan ng Pagluluto:
Hugasan ang mushrooms at ibabad sa mainit na tubig sa loob ng 30 minuto. Hanguin sa tubig pero huwag itatapon ang tubig na pinagbabaran. Tanggalan ng tangkay ang mushrooms at hatiin sa dalawa ang mushroom caps.
Initin ang mantika sa kawali at igisa ang garlic hanggang sa magkulay brown. Tanggalin ang garlic tapos dagdagan ang apoy.
Igisa ang mushrooms sa loob ng ilang segundo. Isunod ang hiniwa-hiwang bamboo shoot at ituloy pa ang paggisa sa loob ng ilang segundo. Idagdag ang snow peas at ituloy pa rin ang paggisa sa loobg ng 1 hanggang 2 minuto. Buhusan ng apat na kutsara ng likidong pinagbabaran ng mushrooms. Budburan ng asin, asukal at vetsin at ituloy pa ang pagluto sa loob ng 2 minuto. Huwag kalimutang halu-haluin. Patayin ang apoy pagsingaw ng likido at habang matigas pa ang gulay. Isilbi habang mainit.
Final Song:
Just Don't Wanna Be Lonely by Ronnie Dyson
Mga Pahabol na SMS:
0910 435 0941: "advance happy mooncake festival, kuya ramon. patikimin mo naman kami ng yummy, yummy flavors ng mooncake."
0919 012 0792: "Happy Mid-Autumn Day sa lahat ng friends jan sa Bejing. Any special event o gathering on that day?"
0928 415 6462: "balita q me ilang araw daw na alang pasok jan dahil sa mid-autumn day, kuya ramon? enjoy the holidays at itikim mo na lang kmi ng masaaaarap na mooncake."
Meme:
Julie (New Manila, Quezon City): "Wanted: basketball players. Requirements: one head, two arms and two legs. Please apply in your athletic attire."
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |