Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika Ika-27 2015

(GMT+08:00) 2015-09-15 10:20:57       CRI

August 9, 2015 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Quote for the day: "Do not confine your children to your own learning, for they were born in another time."-- Hebrew Proverb

Kumusta sa lahat ng mga hao pengyou everywhere in the world. Okay lang ba kayo riyan? Kumusta ang inyong weekend? Ano ba ang pinagkaabalahan ninyo nitong mga nagdaang araw? Baka naman puwede ninyong i-share sa amin. Gusto naming makarinig mula sa inyo. Okay lang ba?

Advance happy birthday kay Brix ng Makassar, Indonesia. Saan ba ang celebration natin? I-viber mo na lang, ha?

Get well soon kay Arlene ng Tianjin, China. Bedridden daw siya dahil sa high fever. Sa tingin ko, mare, e nasobrahan ka lang sa trabaho. Ingat kang lagi. Inom ng maraming tubig.

Sabi ni Jennifer ng Shunyi, Beijing, China: "Iyong hindi natin pagkakapanalo sa bid natin para sa FIBA Games ay nakakasakit ng loob pero this is the best time para ipakita natin na mayroon tayong sense of sportsmanship. This is the best time para ipakita natin sa lahat na tayong mga Pilipino ay good sport. Dalawa na lang tayong naglalaban at isa lang ang dapat manalo."

Sabi naman ni Shiela ng Hong Kong Central: "Maraming salamat sa Cooking Show ninyo, Kuya Ramon. Marami na rin akong natutuhang lutuing Tsino at alam kong magagamit ko ang mga natutuhan ko hindi lamang dito sa bahay kundi maski sa pagsisimula ng maliit na carinderia. Sana tumagal pa ito sa eyre. Sa short wave pa rin ako nakikinig hanggang ngayon."

Mamaya, sa Kusina ni Kuya Ramon, ituturo ko sa inyo kung paano gumawa ng Apple Toffee, isang popular na Chinese snack. Huwag kayong aalis, ha?

PLEASE DON'T ASK ME
(JOHN FARNHAM)

Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "Please Don't Ask Me," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni John Farnham. Ang track na iyan ay lifted sa album na may pamagat na "Uncovered."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Tunghayan natin ang ilang text messages...

Sabi ni Myrna ng Pasong Tamo, Makati City: "Ipagdasal natin ang mga ma3yan ng myanmar. sinalanta ng pamatay na bagyo ang kanilang bansa @ marami sa kanila ang namatayan at nawalan ng ari-arian."

Sabi naman ni Aileen ng V. Luna, Quezon City: "sa nangyari sa bansang myanmar, bigla qng naala2 ang yolanda at pananalasa n2 sa samar and leyte atbp pang probinsiya. qng magbi2gy kau ng d0nasy0n, samahan na rin ntin i2 ng dasal."

Sabi naman ni Bingo ng Ongpin, Sta. Cruz, Manila: "double congratulations sa beijing sa pagkakapanalo nito sa bid para i-host ang 2022 winter olympics at 2019 fiba games. double happiness, ha?"

Sabi naman ni Ella ng Tanza, Cavite: "ang iboto nating presidente e yung may kaisipang diplomatiko at di benggatibo at lalo na yung di mahilig sa basag-ulo."

Sabi naman ni Butch ng Subic Bay Port: "Ala naman palang fake rice, eh. Yung cnasabi nilang fake rice e tunay na bigas kaya nga lang e kontaminado kaya iba naging hitsura nung isaing. Anupa?"

Maraming-maraming salamat sa inyong mga SMS.

THE WONDER IN MADRID
(JOLIN TSAI)

Iyan naman ang "Wonder in Madrid" ni Jolin Tsai. Ang awiting iyan ay hango sa album na may pamagat na "The Dancing Diva."

At sa culinary portion ng ating programa, ang recipe natin ngayong gabi ay Apple Toffee.

APPLE TOFFEE

Mga Pangunahing Sangkap at gamit:

4 na berdeng mansanas, tinalupan
Mantika
Bowl ng tubig na may yelo
Serving platter na pinahiran ng mantika

Para sa Batter:

1 tasa ng plain na harina
1 itlog
3/4 na tasa ng tubig

Para sa Syrup:

3/4 na tasa ng asukal
3 kutsara ng peanut oil
1 kutsarita ng sesame oil
3 kutsara ng tubig
2 kutsara ng sesame seek

Paraan ng Pagluluto:

Ihanda ang batter sa pamamagitan ng pagsasala sa harina sa isang bowl at unti-unting pagdaragdag ng itlog at tubig para sa "smooth consistency." Itabi muna pagkatapos.

Pagsama-samahin ang asukal, mani, sesame oil at tubig sa isang kaserola. Pakuluin hanggang uminit nang husto at maging syrup. Idagdag ang sesame oil at panatilihing mainit ang syrup.

Maglagay ng mantika sa kawali at habang iniit ito, hiwain ang mansanas sa walong piraso. Ilagay din ang syrup, bowl na may lamang tubig na may yelo at serving platter sa lugar na madaling maabot. Isawsaw ang ilang piraso ng mansanas sa batter at iprito sa maraming mantika sa loob ng 1-2 minuto hanggang maging golden ang kulay. Hanguin at patuluin nang ilang segundo tapos isawsaw sa syrup at patagalin nang kaunti hanggang kumintab. Ilubog agad sa tubig na may yelo para iyong syrup ay maging toffee-like coating at ilagay sa pinahiran ng mantikang serving platter. Ulitin ang prosidyur hanggang sa malutong lahat ang mansanas at isilbi kaagad pagkalutung-pagkaluto.

SA IYONG TABI
(JACKY CHEUNG)

"Sa Iyong Tabi," inawit ni Jacky Cheung at buhat sa album na may katulad na pamagat.

Noong i-announce ang pagwawagi ng Tsina sa bid nito para sa 2019 FIBA Games, nagbigay ng pahayag si Yao Ming, iyong popular na popular na basketbolistang Tsino. Nagustuhan ko iyong sinabi niya. Aniya:

"We have to pay tribute to the Philippine delegation. They were great opponents. Only opponents like them could really push us to our limits to test how capable we are."

Iyan ang eksaktong pangungusap ni Yao Ming. Naniniwala ako na talagang malapit ang mga Pilipino sa puso niya.

At para sa ating quotation portion, mayroon lang tayong isa:

"Life is the most difficult exam. Many people fail because they try to copy others, not realizing that everyone has a different question paper."

Iyan, anonymous. Ang nagpadala ay si Irma ng Malolos, Bulacan. Thank you, Irma.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Iwas kayo sa anumang gulo at sakit ng ulo at laging tatandaan na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik. Zai jian and God bless...

May Kinalamang Balita
gnm
v Gabi ng Musika Ika-26 2015 2015-09-08 14:23:58
v Gabi ng Musika Ika-25 2015 2015-09-01 14:15:45
v Gabi ng Musika Ika-24 2015 2015-08-27 10:58:03
v Gabi ng Musika Ika-23 2015 2015-08-20 10:03:00
v Gabi ng Musika Ika-22 2015 2015-08-13 10:54:47
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>