Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Carol Ong, Multi-Awarded Creative Director ng BBH Shanghai

(GMT+08:00) 2014-01-13 15:18:02       CRI

Sa isang bahagi ng opisina ng Bartle Bogle Hegarty o BBH Shanghai makikita ang eskaparate na puno ng mga awards. "Akin lahat yan!" Ito ang biro ni Carol Ong habang ipinapasyal ang mga reporter ng China Radio International Filipino Service sa loob ng opisina BBH Shanghai.

Si Carol Ong ang nag-iisang Pilipino sa BBH Network sa buong daigdig.

Kasalukuyan hawak nya ang posisyong Associate Creative Director at pitong taon na siya sa ahensyang ito. Ayon sa Campaign Brief Asia si Carol Ong ay kabilang sa mga "Hottest Creatives" bigatin sa industriya at respetado dahil sa mga matagumpay na campaigns at mga international awards na nakuha nya.

"I want to live life with the least regrets." Ito ang personal tag line si Carol. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi nya napalampas ang alok ng BBH. Matapos timbangin ang pros and cons, iwinnaksi nito ang lahat ng agam-agam. Bye bye Pilipinas, Ni hao Shanghai.

Graduate sa University of Santo Tomas at may degree sa Fine Arts and Advertising, 1997 sinumulan nya ang career bilang copywriter. At di man sadya tila kada 3 taon ay may bagong nangyayari sa kanyang professional life sa Pilipinas. 2003 nakuha nya ang posisyon bilang Associate Creative Director.

Sa loob ng panahong ito marami syang mga accounts na hinawakan. Ilang sa mga mga memorable ayon kay Carol Ong ay ang hate-late campaign para sa isang pizza chain at ang nakakatawang ad ng isang sabong pampaputi.

Ayon sa multi-awarded Associate Creative Director isa sa trabahong ipinagmamalaki nya ang paglulunsad at paggawa sa mobile app para sa WWF China. Noong 2009 di pa kilala ang augmented reality kaya itinuturing itong "groundbreaking" sa industriya.

Ang proyektong tinawag na "Fate's in your hands" ay may virtual panda bear na pwedeng kumilos sa anu mang lugar na makukunan ng mobile camera. Sa pamamagitan ng app ang publiko ay pwedeng sumuporta sa adbokasiya at hikayatin ang iba pa na tumulong sa mga environmental initiatives ng WWF China. Ang lahat ng ito ay napakadaling gawin gamit ang mga smartphones.

Di lang sa paggawa ng konsepto kabilang si Carol Ong, malaki rin ang ambag nya sa paglikha ng teknolohiyang "Shijie Lens Technology."

Sa ngayon abala sya sa pag-aaral tungkol sa digital technology na mabilis na binanago ang mundo ng advertising. Ani niya exciting ang panahong ito at kailangan na kasabay ng paglago ng industriya kailangan ng mga creatives na aralin ang mga bagay tulad ng mobile technology,

2008 Gunn Report's 100 most awarded ads worldwide para sa Mentos, 2009 Silver Clio, Asian Ad Fest, China 4As Golden Seal Awards, China Advertising and Brand Conference... ang mga ito ay ilan lang sa maraming awards na tinanggap ni Carol Ong .

Sigurado dadami pa ito sa darating na mga taon. Pero sa ngayon wish ng top advertising executive ang ligtas na panganganak at ang magandang kalusugan ng kanyang ikalawang supling.

Alamin ang mga prisipyong pinaninindigan ni Carol Ong para maging matagumpay sa advertising industry sa interbyu ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy Sa Tsina. Para mapakinggan ang buong interbyu gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player at siguruhing gumagana ang audio plug-in sa website na ito.

Si Carol Ong at ang mga awards na patunay sa kanyang tagumpay sa Shanghai

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>