|
||||||||
|
||
MPST20140312AustinOng.m4a
|
Austin Ong, Pangulo ng Philippine China Friendship Club
Nasa huling taon na si Austin Ong sa Tsinghua University, at sa Hulyo inaasahan na matatapos na niya ang Masters Public Administration – International Development.
Si Austin Ong ang Pangulo ng Philippine-China Friendship Club (PCFC), isang samahan ng mga Pilipino at Chinese-Pilipino na kasalukuyang nag-aaral sa mga pamantasan sa Beijing.
Kabilang sa aktibidad ng PCFC ang aktibong pagsali sa mga cultural events sa mga pamantasan para ipakilala ang Pilipinas at kulturang Pilipino sa mga kapwa mag-aaral at mga miyembro ng academic community sa Beiijng.
Matapos ang malakas na lindol sa Cebu at Bohol at pananalasa ng bagyong Yolanda sa Leyte noong 2013, sumuporta ang mga miyembro ng PCFC sa maraming mga charity events ng Filipino Community.
Ayon sa masigasig na Pangulo ng PCFC, isa sa kanyang adhikain ang maging tulay para isulong ang mas malalim at makabuluhang pagkakaibigan ng mga Pinoy at Tsino.
Sa ikalawang bahagi ng aming panayam kay Austin Ong sa programang Mga Pinoy sa Tsina, napag-usapan ang kabutihan ng positibong pagtingin sa di mapipigilang pag-unlad at lakas ng bansang Tsina.
Pakinggan ang ikalawang bahagi ng interbyu ni Mac Ramos na pumulso sa buhay estudyante ng mga Pinoy dito sa Beijing.
Mga staff ng CRI na sina Ernest Wang (kanan) at Machelle Ramos (gitna) kasama si Austin Ong
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |