|
||||||||
|
||
MPST20140122PaulineNgoTan.m4a
|
Sampung taon nang nagtratrabaho bilang doctor sa China si Dr. Pauline Tan Ngo.
Graduate siya ng Pediatric Residency sa Dr. Pablo O. Torre Memorial Hospital at paglaon ay naging specialista sa Pediatric Cardiology sa UP-PGH.
Sasalukuyan si Dr. Ngo ay full-time pediatrician sa Vista Medical Center dito sa Beijing. Sa panayam ibinahagi niyang pinili nya ang Pediatrics dahil natutuwa sya sa mga bata aniya "You won't grow old easily if you deal with kids."
Headline nitong nakaraang linggo ang lagay ng hangin sa Beijing. Binalot ng makapal na smog ang lungsod. Ayon sa balita nitong nakaraang Huwebes umabot sa 671 micrograms per cubic metre ang density of PM2.5 fine particles. Ang lebel na ito ay itinuturing na lubhang mapanganib sa kalusugan ng tao.
Ibinahagi ni Dr. Ngo na ang mga bata ang "vulnerable" o may pinakamahinang depensa laban sa mga sakit na dulot ng masamang hangin. Kaya payo nyang bantayan lagi ng mga magulang ang air quality index at bawasan ang tagal ng pamamalagi sa labas ng bahay o sa labas ng eskwelahan.
Naniniwala si Dr. Ngo na napaka-importanteng pagtuunan ang nutrisyon ng mga bata, lalong lalo n a a pag itoy sanggol pa. Sa usapin ng food security mungkahi nya ang pagpili ng iba't ibang masustansyang pagkain at kung maari suriing mabuti ang kalidad nito. Sa mga bagong panganak, hinihimok nya ang pagpapasuso ng gatas ng nanay sa mga sanggol.
Once a doctor will always be a doctor. Kaya sa pagpapatuloy ng kanyang pamumuhay dito sa Tsina, di titigil sa panggagamot si Doc Pauline. Patuloy din ang kanyang pagkakawanggawa sa mga kapus palad sa lalawigan ng Gansu. At sa araw ng ng samba
ilalaan nya ang kayang talento sa pagtuturo ng Salita ng Diyos sa mga bata.
Alamin ang mga payong medical ni Dr. Pauline Tan Ngo sa interbyu ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy Sa Tsina. Para mapakinggan ang buong interbyu gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player at siguruhing gumagana ang audio plug-in sa website na ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |