Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Philippine Tourism Conference Tampok ang Boracay

(GMT+08:00) 2014-04-28 16:32:21       CRI

Si Gwendolyn Batoon, Head North Asia Marketing Promotions - Tourism Promotions Board

Ms. Jazmin Esguerra, Tourism Attache, habang ipinapakilala ang mga miyembro ng delegasyon ng Pilipinas sa 2014 Philippine Tourism Conference

Taon taon isinasagawa ng Department of Tourism – Embassy of the Philippines Beijing ang Philippine Tourism Conference. At ito'y proyektong pinangungunahan ng napakasipag na Tourism Attache na si Jazmin Esguerra. Nitong mga nagdaang taon, nagkaroon na ng mga campaigns ang mga lalawigan ng Bohol, Puerto Prinsesa at Davao.

Noong April 8 idinaos sa Beijing ang Philippine Tourism Conference tampok ang Boracay at iba pang island destinations sa Cebu, Palawan at Bohol. Ipinaliwanag ni Ambassador Erlinda F. Basilio na ang layunin ng aktibidad ay para maka-akit ng mas maraming Tsino na magbakasyon sa Pilipinas. Nanawagan din siya na sana'y ipakita ng mga Pilipino ang pinakamagandang asal sa mga panauhing dayuhan na dadalaw sa ating bansa.

Ang delegasyon ay pinangunahan ni Gwendolyn Batoon, Head North Asia Marketing Promotions ng Tourism Promotions Board.

Ayon kay Bb. Batoon pumapangalawa ang mga Tsino kasunod ng mga Hapon sa talaan ng bilang ng mga turistang dumadalaw sa Boracay. At kamakailan nagtala ng 60% na paglaki ang bilang na mga Chinese tourists kaya naman para sa 2014 patataasin ang target ng pamosong isla at hihikayatin ang 1 milyong turistang Tsino.

Sinabi rin niya na batay sa chart ng "in bound travel millionaires" ang mga sumusunod ang top 4 tourist groups na pumupunta sa Pilipinas : Amerikano, Koreano, Hapon at Tsino. At pagdating ng 2016 target ng DOT na paabutin sa 10 milyon ang tourist arrivals sa bansa.

Pakinggan po natin ang iba pang mga balak ng DOT para higit pang pasiglahin ang takbo ng turismo lalong lalo na sa isla ng Boracay sa episode ng ito ng Mga Pinoy sa Tsina.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>