|
||||||||
|
||
MPST20140507Chris.m4a
|
Nang tanungin kung kumusta ang buhay-buhay niya sa Tsina, partikular sa Chongqing, inaasahang isang math equation ang ibabahagi ni Chris Manansala. Sa halip ginamit niya ang linya sa pelikulang Forrest Gump at sinabing "Life is like a box of chocolate, you never know what you're gonna get."
Si Chris Manansala ang Head ng Mathematics Department at Subject Coordinator sa Chongqing No.1 International Studies School. 2008 nang tanggapin niya ang hamon para magturo ng Math sa middle school dito sa Tsina. Gaya ng karakter na si Forest Gump, ang buhay ni Chris ay di nagkulang sa mga surpresa.
Mula siya sa isang mahirap ng pamilya at talagang iginapang ang kanyang pagtatapos sa pamantasan. Pero sinuklian naman ang lahat ng paghihirap ng mabuting kapalaran bilang guro sa eskwelahan.
Sa pamamagitan ng pagdalo sa iba't ibang mga pagsasanay para sa mga guro mas napag-iibayo ni Chris Manansala ang kaalaman sa pagtuturo.
Anim na taon nang nagtuturo sa Chongqing si Chris Manansala at mahalagang pundasyon sa pag-aaral ng Math ang maunawaan ang mga basic mathematical terms
Si Mao Leran ay isa sa ipinagmamalaki ni Chris Manansalang estudyante matapos niyang makuha ang mataas na marka sa SAT.
2008 dumating sa Chongqing, Tsina si Chris Manansala. Nasaksihan niya ang pag-unlad ng Chongqing. Bilang guro sa paglipas ng mga taon nakita rin niya ang pagdami ng mga estudyanteng Tsino na lumalabas ng Tsina para doon mag-kolehiyo. Isa sa kanyang ipinagmamalaking mag-aaral ay si Mao Leran na napakataas ng nakuhang marka sa kanyang SAT at ngayo'y naghihintay na lang mga abiso mula sa mga pamantasan sa Amerika kung tanggap na siya. Bunga ng lahat ng sakripisyo ni Ginoong Manansala ang ilang mga gawad na kumikilala sa kanyang galing sa pagtuturo ng Matematika.
Patuloy ang pakikipagsapalaran ni Chris Manansala sa Chongqing. Pinaghuhugutan niya ng lakas ng loob ang kapwa niya mga OFWs at opisyal mula sa Konsulada na marami ang naitulong sa kanya. Di rin niya nakakalimutan ang mga dating co-teachers sa Pilipinas na malaki ang nai-ambag sa kanyang karanasan bilang guro. At ang kanyang pamilya na pinagmumulan ng inspirasyon para mas galingan pa ang kanyang pagtuturo sa Chongqing.
Pakinggan ang panayam ni Mac Ramos kay Chris Manansala sa programang Mga Pinoy sa Tsina. Kung gamit ay desktop siguruhing ito'y may pinakabagong bersyon ng Flash Player. Kung tablet at smartphone ang gamit, mapapakinggan ang programa sa pamamagitan ng Podcast ng Kape't Tsaa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |