|
||||||||
|
||
mpst20140604Hamlin.m4a
|
Sa Pilipinas, puro kababaihan ang nagpapatakbo at nagtratrabaho sa industriya ng strategic marketing communications. Ito ay ayon kay Monette Iturralde-Hamlin, Pangulo ng TeamAsia at isa sa mga kinatawan ng Pilipinas sa katatapos lang na 2014 APEC Women and the Economy Forum.
Si Bb. Hamlin ay may mahabang karanasan sa events management, public relations, tourism management, training at sa iba pang aspekto ng marketing communications.
Sa episode ng ito ng Mga Pinoy sa tsina ibinahagi ni Bb. Hamlin ang mga hamon sa larangang kanyang kinabibilangan na tinalakay sa 2014 APEC Women and the Economy Forum sa Beijing.
Ang mga larawan sa ibaba ay kuha sa mga iba't-ibang tanggapan ng mga bahay kalakal at negosyong Tsino na dinalaw ni Bb. Hamlin at delegasyon ng Pililipinas na pinangunahan ni Undersecretary Nora Terrado ng Department of Trade and Industry kasama sina Pacita Juan, Lydia Guevarra, Boots Garcia, Monette Hamlin, Grace Cruz, Emmiline Versoza, Millicent Paredes, Gilda Maquilan at. Beatriz Davila.
Para maayos na mapakinggan ang panayam ni Mac Ramos kay Bb. Hamlin gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player at siguruhing gumagana ang audio plug-in sa desktop o laptop na gagamitin. Sa mga gumagamit ng smartphones at tablet i–download ang Podcast ng Kape't Tsaa. Paki LIKE rin ang Facebook page na CRI Filipino Service para malaman ang mas maraming impormasyon hinggil sa mga programa ng CRI Filipino Service.
Mula kanan: Christine dela Cruz nd DTI, Ms. Monette Hamlin, Wei Huang, Boots Garcia at Pacita Juan
Mula kanan: Monette Hamlin, Boots Garcia, Zeyu Zhong, Xiaoping Tu, Christine dela Cruz (pinakakanan)
Mula kaliwa: Ms. Monette Hamlin, DTI Undersecretary Nora Terrado, Yuanxiu Liu, Qi Wang at Christine dela Cruz
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |