Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hawak-Kamay: Pagdiriwang ng Ika-13 China-Philippines Friendship Day

(GMT+08:00) 2014-06-10 16:40:50       CRI

Noong 2001 nagkasundo ang Tsina at Pilipinas at idineklara ang June 9 bilang Araw ng Pagkakaibigan. At dito sa Beijing isang pista ang idinaos ng Pasuguan ng Pilipinas para isulong ang pagkakaibigan ng mga Tsino at mga Pilipino. Tatlumpu't siyam 39 na taon na rin ang diplomatikong relasyon ng Tsina at Pilipinas. Bagamat sa kasalukuyan ay may gusot sa ugnayang diplomatiko ng dalawang bansa, hangad ng mga mamamayan ang isulong ang kapayaan. Kaya naman ang Serbisyo Filipino ay nakipagtulungan sa Pasuguan ng Pilipinas para ihatid ang "Hawak-Kamay" isang natatanging pista para sa mga kaibigang Tsino.

Naganap ito nitong Linggo ika-8 ng Hunyo at higit 150 bisita ang naki "Hawak-Kamay" at nakisaya sa pistang pinoy na ito. Nanguna sa pagdiriwang si Kgg. Ambassador Erlinda Basilio at dumalo rin sa Friendship Lunch and Concert si Counselor Bai Tian ng Asia Department, Ministry of Foreign Affairs.

Nakisaya ang mga kawani ng iba't ibang departamento ng China Radio International, guro at estudyante ng Peking University Philippine Studies Department at Beijing Sports University.

Sa okasyon tinugtog ni Liu Yang isang Masters student ng Musicology sa Central Conservatory of China ang Sarumbaggi. Si Ms. Liu ay estudyante ni Prof. Chen Ziming, Professor of Music at kasalukuyang Pangulo ng World Music Society of China.

Pabitin kuha ni Alex de Dios ng POP Beijing

Tug of War kuha ni Mako Borres ng POP Beijing

Pabitin larawan ni Mako Borres ng POPBeijing

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>