Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pacita Juan: Social Entrepreneur at Tagasulong ng Lakas ng mga Kababaihan sa Ekonomiya

(GMT+08:00) 2014-05-27 16:34:12       CRI

 

Si Pacita Juan ( kaliwa) kasama ang buong delegasyon ng Pilipinas sa 2014 APEC Women and the Economy.

Last week ginanap dito sa Beijing ang 2014 APEC Women and the Economy Forum. Dumalo dito ang delegasyon mula sa Pilipinas. At ang delegasyong ito ay binubuo ng mga opisyal ng pamahalaan at mga kinatawan ng business sector at lahat sila ay mga kababaihan.

Hangaring ng 2014 APEC Women and the Economy Forum na kilalanin ang lakas ng mga kababaihan sa sektor ng ekonomiya, at buwagin ang mga balakid para sa lubusang magkaroon ng pagkakataon ang mga kababaihan sa Asya Pasipiko na maging aktibo pagdating sa negosyo at kalakalan.

Walang iba kundi si Usec. Nora Terrado ng Department of Trade and Industry ang Delegation Head kasama sina Pacita Juan iginagalang na social entrepreneur, Monette Iturralde-Hamlin, Pangulo ng TeamAsia, Aurora Garcia, Pangulo ng Ciba Capital Philippines at Gilda Patricia Maquilan ng Coca Cola.

Si Pacita Juan

Sa larangan ng negosyo, isang sangay ng social entrepreneurship. Hindi kita, bagkus layunin ng isang social entrepreneur na tugunan ang mga suliraning panlipunan at pabutihin ang lagay ng pamumuhay ng mga tao.

Nakilala sa taguring ito si Pacita Juan. Siya ay mula sa pamilya ng mga negosyante at ilan sa kanyang mga matagumpay ng negosyo ay ang Figaro, Binalot at ang EchoStore.

Sa kasalukuyan si Bb. Juan ay aktibong kinatawan ng Women's Business Council, International Women's Coffee Alliance at Women Corporate Directors… lahat nagsusulong ng interes ng mga kababaihan.

Bilang bahagi ng delegasyon ng Pilipinas sa 2014 APEC Women and the Economy Forum na ginanap mula ika 21 hanggang ika 23 ng Mayo sa Beijing, inalam ng Mga Pinoy sa Tsina ang mga mahalagang usapin na inilatag ni Pacita Juan sa porum bilang kinatawan ng Pilipinas. Pakinggan ang panayam ni Mac Ramos sa latest episode ng Mga Pinoy sa Tsina.

Para mapakinggan ang programang Mga Pinoy Sa Tsina sa desktop, gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player at siguruhing gumagana ang audio plug-in sa website na ito. Sa mga smartphones at tablet i–download ang Podcast ng Kape't Tsaa.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>