![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Saceda Youth Lead: Mga Karanasan habang naglilibot sa Beijing
|
Para sa Mga Pinoy sa Tsina ngayong linggo, hatid ni Mac Ramos ang kwento ng mga miyembro ng Saceda Youth Lead habang naglilibot sa Beijing. Kabilang sa panayam sina Rechanel Gallano, Managing Officer ng Saceda Youth Lead, Julia Garcia Political Science Major sa University of San Carlos Cebu, Nikko Ederio, Head ng Student Affairs sa St. Paul University Surigao at Dr. Eugene Calingacion, Assistant Dean ng College of Education-Negros Oriental State University.
(L-R) Sina Rechanel Gallano, Dr. Eugene Calingacion, Mac Ramos, Nikko Ederio, at Julia Garcia
Ang apat ay kabilang sa higit 50 Pilipino na dumalaw kamakailan sa Beijing para isagawa ang taunang aktibidad na kung tawagin ay SIPA o Saceda International Program in Asia.
Na culture shock ba sila?
Si Jade Xian, Direktor ng CRI Filipino Service, kasama si Rechanel Gallano, Managing Officer ng Saceda Youth Lead. Ang munting alaala ay likhang-kamay mula sa Dumaguete.
Ani Julia Garcia "A line does not exist in Beijing." Kanyang ipinahayag ang pagkagulat sa dami ng tao na gumagamit ng subway at nasaksihan ang mabilis na galaw ng pamumuhay ng mga Tsino. Dagdag ni Nikko Ederio na agresibo at madalian lagi ang kilos ng mga tao. Ikinamangha rin niya ang pagkasanay ng mga tao sa lakarang medyo malayo. Tunay na kaiba sa Pilipinas kung saan pag sigaw ng "Para!" nasa tapat ka na ng iyong destinasyon.
Enjoy ang grupo sa pagkain lalo na ang malasang noodles at peking duck. Kwento ni Eugene Calingacion, hirap siyang mag-order ng kanin dahil walang marunong mag Ingles, pero kailangan niyang tikman dahil bukod sa nakasanayan ito, napuna niya na masarap ang lasa ng kanin sa Tsina.
Delegasyon ng Saceda Youth Lead habang nasa Southeast Asia Broadcasting Center ng CRI
Dahil sa kanyang trabaho sa SYL, pangatlong dalaw na ni Rechanel Gallano sa Tsina. At isang magandang karanasan aniya ang makadaupang palad ang mga kabataang Tsino, magpalitan ng mga kuro-kuro at higit sa lahat harapang makita at tunay na maranasan ang komong takbo ng pamumuhay sa Tsina.
Sa loob ng studio ng CRI Filipino Service, habang kinakapanayam ni Mac Ramos ang mga miyembro ng Saceda Youth Lead.
Alamin ang iba pang nakakatuwang kwento at karanasan ng grupo sa panayam ni Mac Ramos para sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |