|
||||||||
|
||
Peter Espina
|
Isang peryodista ang tampok sa Mga Pinoy sa Tsina. Pero bago pa man pasukin ang mundo ng pamamahayag, nahasa ang kakayanan niya sa sining sa pamamagitan ng pagguhit sa mga children's book ng Adarna. Si Peter Espina ay isang artist at may subok na karanasan sa trabaho bilang Art Director.
Si Peter Espina
Si Peter Espina kasama ang kapwa artist na si Jensen Moreno sa Pasuguan ng Pilipinas. Sabay nilang ipinipinta ang isang tanawin ng baybaying dagat sa Pilipinas.
Ang kanyang career ay tumatakbo na ng apat na dekada na hitik sa mga karanasan sa mga dyaryo sa Pilipinas. Ilang taon din ang kanyang iginugol sa peryodikong Hong Kong Standard. Matapos ang walong taon, isang pagkakataon ang nagbukas kay Peter Espina na naging daan para matupad ang matagal na pangarap… ang masubukang mamumuhay sa Tsina. Aniya gusto niya ang pantay na pamumuhay ng mga tao sa Tsina kaya noong 2003 sinimulan niya ang isang bagong pahina sa kanyang talambuhay. Pahina na laman ay mga bagong hamon gamitin ang kaalaman sa hilig ng mga mambabasa at pagiging masining para huwag nang bitawan ang kanilang binabasa.
Ilan sa mga obra ni Peter Espina na ipinakita sa Pasuguan ng Pilipinas bilang bahagi ng isang pangsining na aktibidad noong 2015
Pakinggan natin ang unang bahagi ng kuwento ng buhay ng isang artist at media professional sa Beijing narito po ang panayam ni Mac Ramos kay Peter Espina, Art Director ng Global Times.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |