|
||||||||
|
||
Bong Antivola
|
Bong Antivola : Usaping Legal para sa mga OFW
|
Sa loob ng sampung taong pagtatrabaho sa Tsina, isa sa payong laging ipinaaalala ni Bong Antivola sa mga Pilipino at dayuhang nakikilala sa Tsina ay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng legal na estado. Ibig sabihin hangga't maaari dapat siguruhing nasa ayos ang mga visa. Sa Yingke Vensco kung saan si Bong Antivola ay Foreign Investment Director of South China Market kanyang tinutulungang ayusin ang visa, lisensya, pagbabayad ng buwis at lahat ng kinakailangan ng mga dayuhang nais magtrabaho at mamuhunan sa Tsina. Bukod dito, inaalalayan din ng kanyang opisina ang mga Tsino na nais bumili ng property o mag bukas ng negosyo sa Pilipinas.
Si Bong Antivola, kasama ng mga mamamahayag ng CRI Filipino Service
Sa panayam idinitalye ni Bong Antivola ang ilang do's and don't's pagdating sa usaping legal na kinakaharap ng maraming dayuhan sa Tsina. Bukod dito ibinhagi din niya sa mga tagapakining ang Global Family, isang WeChat account na nagbabahagi ng impormasyon kung paano mas maging kasiya-siya ang pamumuhay ng mga dayuhan sa Tsina.
Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |