![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Noong isang episode, nagkuwento ako hinggil sa aking lolo at lola.
Sabi ni Sheryl: naku, huh, just like yesterday-- walk hand in hand with me, through all eternity, hahaha…
Sabi naman ni loplop: wow, ang lakas po ng mga lolo't lola niyo at very sweet sila sa isa't isa.
But, actually, the story is, pagpasok ng taong ito, sabi ng fortune teller na baka yumao ang aking lolo sa gitna ng taong ito, kasi, dinala ng lolo ko ang lahat ng savings niya, pinaplanong mag-travel sa buong Tsina kasama ng lola. Ang unang hinto ay Beijing, lugar na kung saan namumuhay at nagtatrabaho ang kanyang anak na babae at apong babae. Tuwing tumatawa tayo kasama ang lolo at lola sa Tian'anmen Square, Summer Palace, mga tourist spot ng Beijing, umaasa akong mananatili ang panahon at puwedeng laging sumama sa akin ang lolo at lola. Isa pang kawi-wiling bagay sa aking lolo at lola, sini-share nila ang parehong-parehong nickname na sounds like "honghong", walang malalim o magandang kahulungan. Basta nickname lang. Katangi-tanging nickname na nabibilang sa kanilang sarili.
Magkatotoo man o hindi ang hula ng fortune teller, salamat sa kanya, ipinasiyang magtravel ng aking lolo at lola, tapos, may pagkakataon na makasama ako sa kanila.
Kayo'y nasa China Radio International, programang Pop China na inihahatid sa inyo ng inyong happy DJ na si Sissi. Babalik tayo sa music chart at iri-reveal muna natin ang tatlong pinkapopular na kanta sa mga nakaraang linggo.
Sa Ika-3, ang awiting "Ex-girlfriend" na ibinigay ni Huang Yali.
Sa ika-2, "Field", boses bumaba mula sa Himalayas na hatid ni Han hong.
Ang winner is, "Stick Cindy" ay kinatha ng super sweetheart na si Cindy Wong.
Maraming maraming salamat sa pagkatig ninyo kay ate sissi at sa Pop China at regular na pipili ang Serbisyo Filipino ng Most Valueable Message Sender mula sa lahat ng kaibigang patuloy na nag-iiwan ng mensahe o nagteteks sa amin at padadalhan namin sila ng delicate souvenir items.
Baka sa mula't mula pa'y, meron na kayong hangarin na tulungan ang mga drop off student na bumalik sa paaralan, tulungan ang mga disabled na magkaroon ng artificial limbs, tulungan iyo mga taong may grabeng grabeng sakit pero walang perang pang-tustos sa operasyon. Positibo ang sagot, di ba? Noong huling dako ng Mayo, nang mangako ang PEPSI na mag-abuloy ng 100 bote ng soft drinks at pagkaraang maibenta sa mga lugar na pampubliko ang lahat ng kita ay ipagkakaloob sa mga taong nangangailangan ng tulong, tumanggap ito ng maraming reaksiyon sa lipunan at espesyal na kumanta ang Shuimunianhua para sa aktibidad. Bilang pagsasamantala sa kanilang impluwensiya, nanawagan ang grupo sa kanilang music fans na tulungan ang mga taong dumaranas ng hirap. Huwag nang isa-alang-alang ang operasyong komersyal ng PEPSI sa likod ng nasabing charity work, kung totoong makakapagbigay-tulong sa ilang tao, maganda ito, di ba, lalong lalo na't sasabayan pa ng ganoon kasarap at encouraging na theme song-" Eagerness is power".
kung pagkaranas na maraming kahirapan, finally, masayang nagsama kayo ng inyong love one, pero may problema siya sa pag-iisip at hindi matandaan ang lahat ng bagay na kinabibilangan ng pagmamahalaan sa pagitan ninyo, anong gagawin niyo? Lumuha at lumisan o manatili at manatiling nakangiti sa harapan niya? Ang naririnig niyo ay bagong kantang "Tahimik na Gitara" na kaloob ng forever Pop King na si Jacky Cheung. Actually, hindi madalas na nakikita ngayon si Jacky sa sirkulong musikal at bihirang makarinig ng bago niyang kanta, liban sa mga theme song ng pelikula na laging nagpapaala-ala sa mga alaalang pinagtataguan ng kanyang penetrating voice.
Pagkaraang mapakinggan ang mga classic hits na kaloob ng mga mang-aawit na taga-Hong Kong at Taiwan sa bahagi ng Gramaphone ngayong gabi, lalapit sa tenga natin ang kantang "Gabi ng Puwertong Militar" na inihahatid ni Su Xiaoming. Inilalarawan ng kantang ito ang tahimik na gabi sa puwertong militar. Natutulog ang mga sundalong pandagat nang may matamis na ingiti. Ano ang napapanaginipan nila?
Hindi katulad ng iba pang singer, noong 1980s, pagkaraang kumanta ng mga greatest hit, pinili niyang umalis sa sirkulo ng musika habang nasa tugatog ng kanyang karera. Ngayon, kapag nakikita ko ang imahe ni Su Xiaoming sa TV screen, hindi siya kumakanta. Pero, bilang isang actor, espesyal na ginagampanan niya ang papel ng nanay ng mga hero o heroin, laging namumuhay sa pinakamababang status ng lipunan, stingy,love to take petty advantage of others, but kind-hearted sa katunayan.
I-add ninyo ang aming Facebook account na "CRI Filipino Service"
Pop China Ika-20 2011
Pop China Ika-19 2011
Pop China ika-18 2011
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |