Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-22 2011

(GMT+08:00) 2011-06-20 12:18:27       CRI

Natatandaan pa ba ninyo iyong dalawang magpie na nakuha ng nanay ko sa damuhan ng aming residential area at inuwi niya sa bahay? Salamat sa pag-iingat ng mga kaibigan at matiyagang pagpapakain ng aking nanay, mabilis silang nagsilaki. Bagama't gusto kong hintayin si Kuya Ramon na magpunta sa bahay para kunan ng litrato iyong dalawang inakay, hindi naman makapaghintay iyong dalawang ibon. Mabilis silang lumalaki at pasikip na nang pasikip iyong kinalalagyan nilang hawla. Nitong isang buwang nakalipas, bawat araw, mga alas-5 ng umaga, gumigising ang dalawang alaga namin para humingi ng pagkain. Hindi sila tumitigil ng pag-iigay hangga't hindi mo ibinibigay ang gusto. Napakaganda ng kanilang gana sa pagkain. Watermelon, cucumber, mulberry, karne, insekto, at kung anu-ano pa. Parang wala kaming ibinigay na hindi nila kinain. Bukod sa magandang gana, nagsisimula na rin silang magkabagwis at tumubo na rin ang mahabang uropygial at matalas na tuka.

Sa mula't mula pa'y, iniiwasan na ni nanay na mapalapit sa aming dalawang alaga bilang paghahanda sa kanilang pagbabalik sa kalikasan. Noong Martes, tulad ng dati, binuksan namin ang pinto ng hawla, at pagkaraan ng ilang minuto, lumipad ang mga magpie. Mahigit sampung minuto kaming nakatayo ni nanay sa tabi ng bintana at naghihintay na bumalik ang dalawa. We really hope so. Pero hindi na sila bumalik. Bon voyage na lang sa inyo. Ingat na lang kayo. Kung puwede, sooner or later, bisitahin niyo naman ang inyong tagapag-alaga—si mader.

Kayo'y nasa China Radio International, programang Pop China na inihahatid sa inyo ng inyong happy DJ na si Sissi. Babalik tayo sa music chart at iri-reveal muna natin ang tatlong pinkapopular na kanta sa mga nakaraang linggo.

Sa Ika-3, ang awiting "Ex-girlfriend" na ibinigay ni Huang Yali.

Sa ika-2, "Field", boses bumaba mula sa Himalayas na hatid ni Han hong.

Ang winner is, "Eagerness is Power" theme song ng isang charity work na kaloob ng bandang Shuimunianhua.

Gusto kong tawagin ang gabing ito ng rock and roll night. Pero, siyempre, hindi metallic o heavy rock dahil baka patayin niyo naman ang inyong radio set. No worries, pop at pop rock and roll lang. Sa mula't mula pa, sa tingi ko, puwedeng walang sagabal na maipakita ng Rock and roll ang totoong desire ng sangkatauhan. No matter how old you are, kung nananatiling mahilig kayo sa rock and roll, bata pa rin kayo sa puso at isip.

Mula nang pumasok sa sirkulong musikal, mainit nang tinanggap si James Hsiao dahil sa kanyang resonant voice na may explosive power. Sabi nila sa loob daw ng theater, puwede siyang kumanta sa stage without the aid of a microphone. Kamakailan, para mai-shoot ang MTV ng bagong kantang "Rhapsody", espesyal na tinularan ni James ang isang bastinado sa pamamagitan ng paggaya sa sikat na bastinado Master na si DAN INOSANTO. Ngayon, nai-publisize na ang kanyang MTV at puwedeng bumisita ang music fans ng Mtime, ang espesyal na pahina ng Pop China sa Filipino.cri.cn para panoorin kung paanong maglaro ng bastinado si James Hsiao sa saliw ng Rhapsody.

Sinong may sabi na dapat maging cynical ang rocker? Sinong nagpapalagay na dapat manatiling proud and aloof ang rocker? Noong Mayo, nag-publisize ang rocker boy na si Wang Xiaokun ng kanyang bagong kantang "deliberately." Ibang iba sa mga dating nakagawian, ipinadala ng music company niya ang demo CD sa radio station, tinanggap ng mga DJ ang isang USB storage devices na puwedeng paulit-ulit gamitin. Pagkaraang patugtugin ng DJ ang kantang inireserba sa USB, puwedeng manatiling gamitin ang nasabing USB. Environment friendly~At noong ika-12 ng Marso, sa halip ng pagdaraos ng malaking birthday party, inimbitahan ni Wang Xiaokun ang maraming music fans na nagtanim ng puno sa karatig ng Beijing. Rocker, can also be tender hearted at warm-hearted sa bahay.

Noong huling dako ng Hunyo, sa isang luma at maliit na shoe repair shop, natapos ng shoe repairman na i-repair ang isang 5- inch- high heel shoes at natamo ang 30 hongkong dollars na bayad. Halos isang buwan ang nakaraan, suot ang nasabing mga sapatos, umakyat sa istage ng Hong Kong Coliseum si Paula Tsui at tuluy-tuloy na idinaos ang 22 konsiyerto. Kabilang dito, ang pinakamababang presyo ng isang tiket ay umabot sa 2000 HongKong Dollars. Bilang isa sa mga pinakapopular na babaeng singer mula noong 1970s hanggang 1990s sa buong sirkulong musikal ng wikang Tsino, para tulungan ang kanyang mga magulang na mamentena ang buong pamilya, noong 2nd grade sa primary school, itinakwil ni Paula Tsui ang pag-aaral at umakto bilang kasambahay.

Pero, kasunod ng paglipas ng panahon, pag sapit niya ng 16 na taong gulang, naging kampeon si Paula sa singing contest. Mula roon, pumasok siya sa sirkulong musikal at sinimulan ang kanyang mahigit 40 taong pagiging legend bilang Pop Queen. Ang naririnig niyo ay ang kanyang grestest hit na pinamagatang "Secret Love". Pretending looking at a painting, actually, ikaw ang totoong gusto ko tingnan.

 

I-add ninyo ang aming Facebook account na "CRI Filipino Service"

Pop China ika-21 2011
Pop China Ika-20 2011
Pop China Ika-19 2011


 

                           More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>