Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-42 2011

(GMT+08:00) 2011-11-08 17:19:56       CRI

Miss me, miss me, miss me, kung hindi, it's OK, I miss u, miss na miss always. 

Una, sa ngalan ng asawa ko at sa sarili kong ngalan, maraming maraming salamat sa inyong best wishes at messages of concern. Samantalang nag-e-enjoy ng bakasyon sa aking lupang-tinubuan, tuwing binubuksan ko ang aming website at nababasa ang mga mensahe at textmessage sa front page at espesyal na column ng Pop China, lumalamig nang lamalamig ang panahon at umiinit nang umiinit ang puso ko.

Sabi nina

Bro. felix pecache: binabati ko si kapatid na sissi at ang kanyang asawa. pagpalain sana ng MAYKAPAL ang inyong pagsasama.

Sonia: maligayang bati sa mga bagong kasal. i am hoping for a prosperous days ahead...

Sylvie: nakita ko ang kasal mo, ate sissi. talagang very chinese ang dating. pinasadya mo ba iyong bridal gown?

Sayang, hindi ninyo napanood ang wedding ceremony namin at hindi natikman ang wedding wine at candies. Pero, sana manatiling mas masarap at matamis ang inyong pamumuhay kaysa wine and candies. Gusto kong patugtugin ang kantang "Hanggang Kailan" ng Orange and Lemon para sa lahat ng kaibigan, married o single.

Isa pang pangyayaring pinagsisisihan ko ay, dahil nasa bakasyon, hindi ako nakagawa ng espesyal na programa para sa Halloween at Undas Imagine, habang nagpapaganda kayo ng libingan, nagpipiknik at naglalaro ng mah jong, isinasahimpapawid naman ng Radyo ang horror story o very old na Halloween jokes ni Sissi. What a terrible feeling…Biro lang…

Sabi ni Candy: masaya ang halloween pero malungkot ang undas. araw ito para sa pagme-meditate.

Rodel: bumabati ako sa pop china sa dakilang araw ng undas. ipagdasal natin ang ating mga yumaong kamag-anakan at kaibigan.

Shaneil: happy halloween din kay ate sissi at pop china at kay pangga (ernest. sindi tayo ng kandila para sa mga kaluluwa.

Pagkaraan ng Undas, ano ang susunod? Um…malamig na malamig dito sa Beijing. Naaamoy na ang papalapit na Pasko. Sa darating na Disyembre, sasalubungin natin ang pinakaimportanteng kapistahan sa isang taon-ang pasko-- at sa ikatlo ng Disyembre, sasalubungin naman ng CRI ang kanyang 70th anniversary, kaya, magsasahimpapawid at magpopost ang Serbisyo Filipino ng isang serya ng special programs na may special prizes. Para sa mga detalye, bisitahin ang aming website o pakinggan ang mga programa namin sa radyo sa mga darating na araw. Narito ang

awiting "Lonely Christmas " mula kay Eason Chan. Sana maging matunog ang Pasko ninyong lahat. .

Kung makakakita kayo ng babae na naglalakad sa ulan, may dalang payong pero hindi nakabukas, tiyak na iisipin ninyong kulang sa hulog ang babaeng iyon o meron siyang emotional problem. Pero, sa bagong kanta ni Jay Chow na "Mine, Mine, Mine" ang paglalakad sa ulan ay nagsisilbing sandata ng babae, isang santada para makaramdam ang nagmamahal sa kanya ng kirot sa puso. Especially doon sa lovers na katatapos lang mag-away, ito ang paboritong gawin ng mga babae. Matagal na hindi natin narinig si Jay Chow. Abalang-abala din siya sa relationship nila ng kanyang 18 taong gulang na mix blood na girlfriend, baka, e, baka, ang kantang ito ay totoong pangyayari sa kanyang buhay, a.

Sabi ni min: may mga pop music din ba mga tibetan song artists? Um…Tibetan Song Artists, alam mo, min, iyung katangian ng mga Tibetan artist? Halos lahat sila ay matataas ang boses at mayroon silang espesyal na teknik sa pagkanta. Imagine this: sa plateau na mga 4000 metro ang taas sa lebel ng dagat, para sa karaniwang tao, mahirap kahit na maglakad lang, huwag nang banggitin ang pagkanta; pero, puwedeng sumayaw, kumanta, sumakay sa kabayo at mag-wrestling ang mga mamamayang Tibetano doon. Malaki ang kanilang lung capacity~ Ngayong gabi, kasiyahan natin ang isang love song na ibinigay ng isang Tibetan singer na si So Lang Zha Xi. Sana magkaroon kayo ng isang makulay at Tibetan style na panaginip mamamyang gabi. Sa panaginip, makita ninyo ang asul na kalangitan, dakilang Lama Temple at magagandang babaeng Tibetano.

 

I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"

Pop China ika-41 2011
Pop China Ika-40 2011
Pop China Ika-39 2011

                           More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>