Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-43 2011

(GMT+08:00) 2011-11-14 17:59:15       CRI

Nasabi ko na minsan na sa darating na Disyembre, sasalubungin natin ang pinakaimportanteng kapistahan sa isang taon—ang Pasko, at sa ikatlo ng Disyembre, ipagdiriwang naman ng CRI ang kanyang 70th birthday. Bilang pagdiriwang sa mga okasyong ito, mula sa linggong ito, inaanyayahan namin ang lahat ng mga kaibigan na bumisita sa aming website na filipino.cri.cn para bumoto sa pinakanagugustuhan nilang Pinoy male and female singers at Pinoy band at magpadala ng mensaheng pambati para sa ika-70 anibersaryo ng CRI. Pipiliin namin ang ilang masusuwerteng kalahok at padadalhan ng mga espesyal na aginaldo mula sa Serbisyo Filipino. Puwede ring ipadala ng mobile phone users ang kanilang boto o mensaheng pambati sa 09212572397.

Guess, kung sino ang aakyat sa final stage sa bisperas ng Pasko at tatanghaling pinakapopular na Pinoy singer para sa taong 2011. Narito ang ilan sa mga nominees.

Ok, ang unang nominee natin ngayong gabi para sa pinakapopular na female singer ay ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Actually, unang una, dapat siyang batiin dahil noong Martes, ika-8 ng Nobyembre, Regine just gave birth to a baby boy Christened Nathanie James. Kinumpirma ang ulat na ito ng proud father na si Ogie Alcasid, sa Twitter:

Sabi ni Ogie: at 7:47pm Nov 8th, 2011. God give us Nathianel James. Thank you for the prayers. God bless you all.

Overwhelmed, nagpahayag si Ogie ng taos-pusong pasasalamat sa love at concern na ibinigay ng mga kaibigan.

Sabi ni Ogie sa twitter:

Cute naman at tender si Nathianel James.

TY for all the love for our baby! It is most overwelming! very blessed!

Salamat sa inyong lahat, here at commerical shoot. missing mom at Baby Nathaniel. Can't wait to see them again:)

How sweet naman. Sa ngalan ng lahat ng music fans na Tsino at Pinoy, congratulations kina Regine at Ogie. Sa awiting "Christmas Wish" na kinanta ni Regine mismo, I wish her and her family the sweetest life ever.

Siguro pamilyar na kayo sa kanyang fantastic performance sa Pinoy Dream Academy. Ang tinutukoy ko ay walang iba kundi ang internationally renowned singer na si Billy Crawford. As early as 3, nagsimulang kumanta si Billy sa bowling alley na madalas binibisita ng kanyang nanay. Sa 1995 MTV Video Music Awards, nagsayaw siya sa stage bilang isa sa mga back up dancer ni Michael Jackson. Na-publicize ang kauna-unahan niyang album noong siya ay 15 taong gulang. Ang mga awitin niyang "Urgently In Love" and "Mary Lopez" ay naging hits at agarang umakyat sa mga music chart sa Pilipinas at Europa. Maski ngayon, laging laman ng mga Chinese website ang Filipino legend. Iyan si Billy Crawford—kauna-unahang Asyanong tumanggap ng pagkilala mula sa sirkulong musikal ng buong daigdig.

With witty, creative lyrics and thoughtful musical compositions, ang mga awitin ng 6-Cycle Mind ay nagtataglay ng kakaibang tema at sinasabing "a type that stands out from the crowd of an otherwise plain lyrics genre." Binubuo ang 6 cycle mind ng lead singers na sina "Tutti" Caringal, "Rye" Sarmiento, rhythm guitarist at back up singer na si Bob Cañamo, bass guitarist na si Herbert Hernandez at lead guitarist/manager na si Darwin Hernandez. Kung pakikinggan ang kanilang tugtugin, hindi ninyo maiiwasang umindak. 6-Cycle Mind, nominee para sa pinaka-popular na bandang Pinoy. Kung malaki ang paghanga ninyo sa grupong ito, ipahayag ninyo ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng maikling mensahe sa 09212572397. Say that you love them.

Iyan ang tatlong nominees sa gabing ito-- Regine Velasquez, Billy Crawford at 6 Cycle Mind. Sa susunod na linggo, may iba pang batikang singers na ino-nominate ang Pop China. Anytime, anywhere, kung gusto ninyong magpahayag ng kung ano tungkol sa nominees, huwag kalimutang magteks sa 09212572379 o bumisita sa aming website: filipino.cri.cn. Kasiyahan ang marami pang exciting moments na inihahatid ng musika.

 

 

I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"

Pop China Ika-42 2011
Pop China ika-41 2011
Pop China Ika-40 2011

                           More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>