Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-44 2011

(GMT+08:00) 2011-11-21 14:29:51       CRI

Ang naririnig ninyo ay ang kantang "Dota o Ako", isang napaka-interesting na awitin nina Vanessa & Aikee. Sabi ng lyrics: Si GF nagagalit kapag nagdodota ka. Si Dota hindi nagagalit kapag nag-G-GF ka. Si Dota 20 pesos lang Masaya na. Si GF baka 200 pesos hindi pa Masaya. Anong gusto mo, Dato o GF?

Alam nating bilang pagdiriwang sa pasko at 70th birthday ng CRI, mainit na tumatakbo ang Christmas and New Year activity ng Pop China--- "Boto Para Sa Best Singer Na Pinoy". Nakita ko ang mesaheng ipinadala ng mga music fans,

Sabi ng textmessager: 9158075XXX: Si Regine Velasquez pa lang ang mapipili ko jan. Kababayan ko iyan sa Bulacan.

Sabi naman ng mobile phone user ng 9209502XXX: wg na lang muna tayo sa iba pang icons para makapili tayo mabuti

At sabi ni 9179606XXX: Naku,day,wala tayong mapagpilian diyan. wala sa list yung mga type ko.

Um, huwag magmadali ha? iyan ang unang tatlong nominees para sa nagdaang linggo at sa susunod na ilang episode, may iba pang batikang singers na ino-nominate ang Pop China. Textmates, puwede kayong pumili pagkaraang malinaw na ang lahat ng nominee para sa best male singer, best female singer at best band o kung malaki ang paghanga ninyo sa specific nominee, agarang ipahayag ang inyong love sa pamamagitan ng pagpapadala ng maikling mensahe sa 09212572397. para sa mga internet users, puwede rin kayong bumisita sa aming website: filipino.cri.cn, at i-cast ang pinakamahalagang boto sa best singer na pinoy sa inyong puso. Guess natin kung sino ang aakyat sa final stage sa bisperas ng Pasko at tatanghaling pinakapopular na Pinoy singer para sa taong 2011.

Kamakailan, nagkaroon ng press conference si Yeng Constantino para sa kanyang fourth album at first live album-Yeng Versions Live. Nagtatampok ang nasabing album sa mga kantang inawit ni Yeng sa kanyang nagdaang concert na mga revivals ng mga kinikilalang local OPM artists. Tuwang-tuwa si Yeng dahil ngayon pa lang ay gold na ang nasabing album. Isa pang rason ay ang posibleng offer na mag-record ng album sa buong Asia.

Sapul nang magtagumpay sa Pinoy Dream Academy, maging kauna-unahang "Grand Star Dreamer", at kantahin ang kantang sinulat niya mismo, nagkaroon na si Yeng ng isang 3x Platinum, tatlong gold albums, at kung Ilampung winning singles, not to mention ang kanyang mahusay na performaces sa larangan ng hosting. Si Yeng Constantino, ay lumaki na isang international super star mula noong siya ay 18 taong gulang na batang babae. Siya ang Nominee para sa best female singer ngayong linggo, kasiyahan natin ang isang single niya-Siguro, ito rin ang paborito kong kanta kamakailan.

Walang duda, Si Rico Blanco ay isang gifted musician at performer. Bilang isang solo artist at lead singer ng kanyang dating bandang Rivermaya, mula noong 1994, nairekord, naisulat at naiprodyus na ni Rico ang maraming number one hits at lumampas sa isang milyon ang bilang ng mga album na naibenta sa Philippines at Southeast Asia.

Noong bata pa siya, sinimulang pakinggan ni Rico ang mga plaka ng the Beatles, jazz selections at 1970's rock na koleksiyon ng kanyang tiyuhin. Tapos, naloko siya sa mga punk rock, post punk, synth pop and new wave artists tulad ng XTC, The Cure, The Smiths, U2, The Sex Pistols, The Clash at iba pa. Naimpluwensiyahan din siya ng mga OPM ng Deans December, Violent Playground, Identity Crisis, Urban Bandits, at ni Joey Ayala. Ang lahat ng mga ito ay nakapagbigay-ambag sa pagbuo ng Rico Style that makes him stay at the peak of the mountain. Ang naririnig ninyo ay ang kanyang hottest hits.—Rico Blanco, mominee para sa best male singer ngayong gabi.

Saupl nang idaos ang kauna-unahang live performance noong 2006 sa Boracay, pagkaraan ng limang taong pagsisikap at pagsubok, si Kean/ky/an at ang kanyang bandang Callalily na mula sa grupo ng kabataang nagko-concentrate sa pagpapakita ng kanilang mga sarili at pagbubuhos ng lakas sa pagtugtog ng Rock and Roll ay naging mas confident at beterano. Sinamantala rin ni Kean ang kaniyang popularity bilang Callalily's frontman at ang kaniyang flourishing showbiz career. He is more than ready for the big concert stage. Sa gabi ng ika-26 ng kasalukuyang buwan sa Aliw Theater, sasalubungin ng mga music fans ang "One Stage, One Night: BBS Featuring Kean Cipriano Live!". Bukod kina BBS o Big Band Syndicate at Ken, magtitipun-tipon din sa concert na ito ang big icons mula sa ilang popular bands na tulad ng Sandwich, South Border, The Dawn, Moonstar 88, Gracenote, Paraluman, Pupil, 6Cyclemind. What a big carnival. Sa saliw ng best known song-"Take my hand" ng Callalily, hinahangad namin ang big success ng concert at good luck, mga pards!

Kasama ng tatlong nominees na inirecomend namin noong isang linggo, ngayon, mayroon tayo 6 nomiees: sina Regine V at Yeng Constantino para sa best female singer, sina Billy Crowford at Rico Blanco para sa best male singer at ang bandang Six cycle mind at Callalily para sa best band, sinong singer at aling banda ang gusto niyo? Ipadala ang inyong choices sa 09212572397 o bumisita sa Filipino.cri.cn, i-cast ang pinakamahalagang boto sa best singer/best band na pinoy sa inyong puso.

I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"

Pop China Ika-43 2011
Pop China Ika-42 2011
Pop China ika-41 2011

                           More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>