|
||||||||
|
||
Ang naririnig ninyo ay ang pinakahuling obrang "Louder" na inawit ng bagong henerasyon ng queen of Pop na si Charice Pempengco. Noong Ika-5 ng Nobymbre, namatay sa aksidente si Ricky Pempengco, tatay ni Charice at agarang tumanggap siya ng libu-libong mensahe ng pakikiramay mula sa mga kaibigan at music fans. Sa kanyang official twitter account, ipinaabot rin ni Charice ang kanyang pasasalamat sa lahat ng taong nagpaabot ng love and support sa kanya noong mga araw na siya ay nagdadalamhati. Hinahangad din namin na malampasan na ng pamilya ni Charice ang kalungkutan. Take care, Charice.
Bilang pagdiriwang sa pasko at 70th birthday ng CRI, mainit na tumatakbo ang Christmas and New Year activity ng Pop China--- "Boto Para Sa Best Singer Na Pinoy". Textmates, puwede kayong pumili pagkaraang malinaw na ang lahat ng nominees para sa best male singer, best female singer at best band o kung malaki ang paghanga ninyo sa specific nominee, agarang ipahayag ang inyong love sa pamamagitan ng pagpapadala ng maikling mensahe sa 09212572397. para sa mga internet users, puwede rin kayong bumisita sa aming website: filipino.cri.cn, at i-cast ang pinakamahalagang boto sa best singer na pinoy sa inyong puso. Guess natin kung sino ang aakyat sa final stage sa bisperas ng Pasko at tatanghaling pinakapopular na Pinoy singer para sa taong 2011.
May power para magpatahimik ng puso ang mga musika ng Queen of Acoustic Pop na si Juris Fernandez. Mula sa pagiging dating lead vocalist ng warm welcomed acoustic band na MYMP, hanggang sa pagiging internationally known solo singer, patuloy na nananangan si Juris sa kanyang pangarap na musikal, at slowly but surely, walang humpay na pinaunlad ang kanyang career. Noong Nobyembre, habang tinitingnan namin ang kanyang bagong album na "Forever more" sa iba't ibang website, nakakuha kami ng isa pang good news: sa katapusan ng taong ito, matutuloy na ang kasal ni Juris at kanyang non-showbiz fiancé—pagkaraan ng five years of going steady. The man, whom Juris met in one of her gigs, proposed to her last January, pero ipinangako ni Juris na patuloy siyang kakanta hangga't may nakikinig sa kanya. Nominee para sa best female singer ngayong gabi, kasiyahan natin ang kanyang single na "Kahit hindi mo sabihin".
Naniniwala akong maraming babae ang may boyfriend o asawa na tulad ni Chef Daniel, isang confident sous chef na ang papel ay ginagampanan ni Christian Bautista sa hottest drama series na "Kitchen Musical." Good looking, maipagmamalaki kung kasama sa party, may magnetic voice, madaling ma in love ang kausap sa telepono at higit sa lahat, mahusay magluto-- nakakapagluto ng masasarap at delicate na pagkaing nakakapagpainit hindi lamang ng sikmura kundi maging ng puso.
Noong ika-3 ng buwang ito, nai-publisize ng romantic balladeer and Asia's pop idol na si Christian Bautista ang kanyang kauna-unahang international album na "Outbound." Ang kabuuan ng album ay tinapos sa labas ng Pilipinas at nakipag-collaborate si Christian sa mga music producer at artist mula sa Hong Kong, Korea, Japan, Singapore and Indonesia.
Sa first single "All That's Left," na kinatha ni Tat Tong, isang Producer, arranger, songwriter mula sa Singapore, nakita ang bold sound ni Christian at makikita rin ninyo ang isang kakaibang Christian. Christian Bautista-mominee para sa best male singer ngayong gabi. Ang naririnig ninyo ay ang kanyang first single na "All That's Left."
Para maisakatuparan ang kanilang mutual desire na magtrabaho nang magkasama, noong taong 1995, itinatag nina Raymond Marasigan at Diego Castillo ang bandang Sandwich. Datapuwat nakasabayan ang Marasigan's foremost band at Eraserhead at that time, nagawa pa rin ng Sandwich na magprodyus ng heavier and grittier sound at nagkaroon din sila ng sarili nilang fans' club. Gayong mahigit 15 taon nang nananatili ang Sandwich at ang mga miyembro, na noo'y masisiglang kabataan, ay pawang middle-aged men at women na ngayon, patuloy pa rin nilang ini-explore ang kani-kaniyang genres na mula sa kanilang mga sariling buhay mismo at sinulat nila ang kantang handog para sa mga biktima ng bagyong Ondoy at ang kanilang sariling love story na naganap sa airport. Sinubok din nila ang pinakabagong country music at maging ang bagong instrumento na gaya ng harmonica. Sila ang mominee para sa bestband ngayong gabi—ang forever young na bandang Sandwich.
Uulitin ko ang mga nominees na inirecomend namin hanggang sa kasalukuyan. Ngayon, mayroon tayo 9 nomiees: sina Regine V, Yeng Constantino, at Juris F para sa best female singer, sina Billy Crowford, Rico Blanco at Christian Bautista para sa best male singer at ang bandang Six cycle mind, Callalily at Sandwich para sa best band, sinong singer at aling banda ang gusto niyo? Ipadala ang inyong choices sa 09212572397 o bumisita sa Filipino.cri.cn, i-cast ang pinakamahalagang boto sa best singer/best band na pinoy sa inyong puso.
I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"
Pop China ika-44 2011
Pop China Ika-43 2011
Pop China Ika-42 2011
More
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |