Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-5 2012

(GMT+08:00) 2012-02-07 16:31:58       CRI

Papalapit nang papalapit ang pinakaromantikong pista sa daigdig- ang Araw ng Mga Puso. Nagsimula na namang tumanggap ng maraming order ng roses ang mga flower shop sa labas ng CRI. Kung ako ang tatanungin, kumpara sa rosas, mas type ko ang lily, kasi, sa kaugaliang Tsino, ang lily ay sumasagisag sa being together forever. At sa pagkakaalala ko, dalawang beses lamang akong nakatanggap ng roses. Ang una ay galing sa aking first love noong mag-celebrate ako ng debut, at ang pangalawa ay galing naman sa aking asawa noong unang magkakilala kami. At, coincidentlly or not, hindi kami magkasama ng boyfriend ko tuwing sasapit ang Valentine's Day, kaya inggit na inggit ako pag may nakikita akong magkasintahan na naglalakad at may hawak na roses kung Valentine's Day. Er… Kasiyahan muna natin ang kantang "Bakit pa ba?" ni Sarah Geronimo.

Sa araw ng mga puso, bukod sa mga bulaklak, ang isa pang bagay na pampasakit ng ulo ay ang pagpili ng regalo. Chocolate? Too old. Sapatos? Kabibili bilang New Year's gift. I-phone 4S? Sobrang mahal…Para sa akin, ang Araw ng mga Puso sa taong ito ay ang kauna-unahan pagkaraang ikasal kami ng aking asawa. Siyempre, dapat dibdiban ang paghahanda. Mayroon nga akong kakilalang mga kaibigan na, dahil ito nga ang kauna-unahang Valentine's Day nila pagkaraang ikasal sila, naghanda ang babae ng isang album para sa kanyang asawa at ito ay naglalaman ng kanilang mga larawan nitong 7 taong nakalipas. Nilakipan pa niya ito ng ilang pangungusap sa kanyang talaarawan bilang pasasalamat sa asawa niya.

Kayo, kung mayroon kayong excellent advice, isang linggo pa lamang iteks na ninyo sa akin—parang tulong na rin ninyo, hehehe... At, bilang pasasalamat, inaanyayahan ko kayo na samahan akong makinig sa awiting "Autistic People," na inawit ni Eason Chan, OK?

Sabi nila, ang Ara ng mga Puso ay nagsisilbing magandang pagkakataon para sa pagpapalalim ng damdamin sa pagitan ng mga magkasintahan—mahiyain man sila o hindi. Pero, kung talagang hindi niyo matanggap ang reality na niloko ka ng mahal mo, puwede ninyong subukin ang mga sumusunod:

Kung ikaw ay isang babae, sa araw na iyon, pumunta ka sa harap ng iyong ex at kanyang nobya, full of tears, at sabihing natanggap mo na ang perang bigay ng iyong ex, pero, ayaw mong ipa-abort ang inyong baby at palalakihin mo na lamang ito by yourself, tapos,dali-daling umalis ka. Kung ikaw naman aylalaki, sa araw na iyon, pumunta ka sa harap ng iyong ex at kanyang nobyo at magsama ka ng bata. Sabihan mo ang bata na tawaging nanay ang ex mo, tapos sabayan niyo ng layas. Sa tulong niyo, ang magandang pagkakataon ng pagpapainit ng damdamin sa pagitan ng mga magkasintahan ay puwedeng mauwi sa heartbreaking. Patutugtugin ko ang kantang "Letting Go," na ibinigay ni Tanya Chua. Actually, para sa isang pasted relation, letting go is the best way for both of you.

Sa araw ng mga puso ng taong ito, ang isa pang interesting na pangyayari ay …dahil dumarami nang dumarami ang mga magkasintahang pas pinipili na magpalipas ng kanilang Araw ng mga Puso sa labas ng kanilang tahanan, nag-organisa ang mga negosyanteng Tsino ng makukulay at mayayamang aktibidad para sa mga magkasintahan. One week to go, nakakita ako ng mga advertisement tungkol sa espesyal na aktibidad sa Valentine na ihahandog ng mga restaurant. Sa araw na ito, kung pupunta kayo sa isang snack bar sa Shanghai at makakapaghalikan kayo ng iyong partner nang hindi kukulangin sa 60 seconds, puwede kayong kumain ng inyong kasintahan nang libre hanggang sa mabusog na mabusog kayo.

At sa lunsod ng Nanjing naman, sa Araw ng mga Puso, kung pupunta kayo sa isang seafood nang magkahawak-kamay, makakakuha kayo ng 20% discount; kung magkayakap, 30% discount; at kung naghahalikan, 50% discount. Sabi nila, mahigpit na mahigpit ang relasyon ng pagkain at pag-ibig, at ang love ay nangangahulugan ng two persons having dinner together every day. Ang naririnig ninyo ay ang bagong kanta ni Jay Chow na pinamagtang "Curing Rice Dumpling." Sa kantang ito, love is rice dumpling, kaya, kung gusto mong kumain, hindi kailangang hintayin ang Dragon Boat Festival. I will always be at your side.

I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"

Pop China Ika-4 2012
Pop China ika-3 2012
Pop China Ika-2 2012



                           More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>